top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Leonard, ipinahiya agad si James sa NBA opening

MC
Oct 24, 2019
2 min read

Umiskor si Kawhi Leonard ng 30 puntos upang pangunahan ang host Los Angeles Clippers tungo sa 112-102 victory laban sa Los Angeles Lakers sa season-opener ng NBA kahapon sa Staples Center.

Dumagdag si Lou Williams ng 21 points habang may 17 puntos si Montrezl Harrell at 7 rebounds para sa Clippers. Natulungan niya ang Clippers na ungusan ang reserved players ng Lakers, 60-19.

Pinamunuan ni Danny Green ang Lakers sa bisa ng 28 points sa pagpukol ng 10 sa kanyang 14 field-goal attempts, kabilang na ang 7 sa siyam na 3-pointers.

Umiskor si Anthony Davis ng 25 points habang si LeBron James ay nakagawa ng 18 points, 9 rebounds at 8 assists.

Ang 19-7 run sa pagbubukas ng 4th quarter ang nakatulong sa Clippers para kunin ang panalo at pigilan ang Lakers sa kritikal na peryodo.

Ginanahan ang Clippers, sa 11-1 run sa kalagitnaan ng second quarter, namuno sa 62-54 sa break period sa likod ng 20 puntos ni Leonard at 8-of-11 shooting. Dumagdag si Williams ng 13 bilang una niyang half points nang ma-outscore ng Cllippers ang Lakers, 40-29 sa second quarter.

Umiskor si Davis ng 18 puntos at may 14 si James sa first half. Pagsapit sa 3rd period, lumayo pa ang kalamangan ng Clippers sa 70-56, matapos ang 3-pointer ni Patrick Patterson sa 9:56. Pero sumagot ang Lakers sa 10-2 na pagkaiwan at makalamang ng 6 puntos matapos ang dunk ni James sa unang 3 minuto.

Nabigyan ang Lakers ng 85-82 advantage mula sa 15-0 na hinabol makaraan ang tres puntos ni Danny Green, na umiskor ng 18 puntos sa 3rd. Ipinatas ni JaMychal Green ang iskor pagpasok sa 4th quarter.

Nagsikap pa ang Lakers sa 13-2 lead matapos ang basket ni Davis, sa unang apat na minuto ng laro. Pero humabol ang Clippers idinikit ang iskor sa 25-22 sa pagtatapos ng quarter. Hindi nakalaro si Lakers point guard Rajon Rondo dahil sa namamagang braso. Muling maghaharap ang dalawang team sa Pasko.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page