top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Benepisyo ng SSS members, hindi na idadaan sa tseke, diretso na sa bank account

  • Thea Janica Teh
  • Oct 24, 2019
  • 2 min read

Bulgarific

Hello, Bulgarians! Ibinalita kamakailan ng Social Security System (SSS) na hindi na sila maglalabas sa kanilang mga miyembro ng benefit payout gamit ang tseke.

Kabilang dito ang lump sum disability, death and retirement benefit at employee’s compensation (EC) disability benefit na dati ay inire-release sa pamamagitan ng tseke, ngayon ay mandatory nang ire-release sa bangko.

Sinabi ni SSS President and Chief Executive Officer Aurora C. Ignacio na ang pagbabagong ito ay sa kapakanan ng mga miyembro para maging safe at efficient ang pagbibigay ng karapat-dapat na benepisyo.

Sa ilalim ng programang ito, ang lump sum payment ay inire-remit ng SSS sa kanilang mga miyembro o claimant’s account sa kanilang preferred SSS-accredited bank.

Mayroong 67 SSS-accredited paying banks at ilan sa mga ito ay ang Asia United Bank Corporation, Bank of the Philippine Islands, China Banking Corporation, Development Bank of the Philippines, East West Bank, Land Bank of the Philippines, Metropolitan Bank and Trust Company, Philippine National Bank, Philippine Veterans Bank, RCBC Savings Bank, Security Bank and Trust Company at Union Bank of the Philippines.

Ang mga qualified member o claimant ay maaari nang kumuha sa ilan sa mga bangkong ito ng kanilang benepisyo at kailangang magdala ng ilang bank documents na may pangalan nila.

Ilan sa maaaring ipakita na bank document sa bangko ay ang single savings account passbook, ATM card with name and account number, validated initial deposit slip or copy of bank certificate/statement, kung ang pangalan ng miyembro o claimant o savings account number ay hindi nakalagay sa kanilang ATM card o accomplished Visa cash card enrollment form.

Bukod pa rito, maaari ring gamitin ng miyembro ng SSS ang kanilang UnifiedMultipurpose Identification (UMID) card kung ito ay naka-enroll bilang ATM. Ang mga UMID card na ito ay may EVM chips.

Kung ang miyembro naman ay walang existing savings account, maaaring makakuha ng letter of introduction sa SSS na maaaring ipakita sa SSS-accredited bank.

May ilang miyembro ang exempted sa programang ito tulad ng mga miyembrong may address na may layong 30-km. sa pinakamalapit na SSS-accredited bank o nasa mga high-risk area. Kabilang din dito ang mga kukuha ng benepisyo na hindi tataas sa P1,000 o mga miyembrong nasa penitentiary, correctional institution o rehabilitation center. Exempted din sa programang ito ang mga miyembrong physically incapable.

“Epektibo ang programang ito dahil hindi na kailangan pang maghintay ng mga miyembro ng kanilang tseke at saka pa lang puwedeng i-encash. Dito, hihintayin na lang nilang ma-credit sa kanilang account ang benefits at maaari nang i-withraw kung kailan nila gugustuhin”, bahagi ni Ignacio.

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page