Mga piktyur, lumabas, Marjorie… Buking: Gretchen at anak, todo-Party habang nakaburol ang padir
- Beth Gelena
- Oct 23, 2019
- 2 min read
Beth Gelena / Bulgary Files

Marami ang nagtatanong na netizens kung bakit daw wala ang anak ni Gretchen Barretto na si Dominique Cojuangco sa wake ng kanyang lolo, ang ama ni La Greta.
Post ng isang netizen na may user ID na sheeshee1983 “@gretchenbarretto @dominique pay some respect to your dad instead of partying. Alam mo @gretchenbarretto ang lungkut-lungkot ng buhay mo hirap ka kasing magpakumbaba, kinakain ka ng pride mo.”
Sinagot ni Dominique ang netizen na, “You don’t know me.”
Tinanong pa si Dom ng netizen, “Are you in your grandpa’s wake?”
“I’m in a completely different country with a job,” sagot naman ng anak ni La Greta.
Hinangaan si Dominique ng mga netizens. Well-raised daw ang dalaga at hindi nakikisali sa gulo ng pamilya.
Sadyang may mga tao nga lang na gustong pag-react-in ang anak nina Gretchen at Tonyboy Cojuangco.
Mayaman naman daw sila kaya kahit anong oras ay puwede itong umuwi.
“‘Wag idahilan na may work, bakit ‘yung mga ibang OFWs, nakakauwi lalo na ‘pag may problema sa family?”
“Spare the girl, nananahimik at ‘di siya nakikisawsaw.”
Ang iba nama’y naiintindihan ang dalaga kung hindi man siya nakapunta sa wake ng kanyang lolo.
“Damn if you do, damn if you don’t. Kung pumunta s’ya, sasabihin, nakikisali s’ya sa issue ng matatanda. Mabuti na rin siguro na ‘di siya umuwi, baka madamay lang siya sa gulo ng nakatatanda.”
Anyway, kaya rin siguro nasabi ng mga netizens na nakikipag-party si La Greta habang nakaburol ang ama ay dahil sa mga larawang lumabas kung saan dumalo sila ng common-law husband na si Tony sa isang event.
Samantala, si Dominique naman ay nag-post ng mga kuhang larawan nu’ng ikasal ang anak nina Albert at Liezl Martinez (rip) na si Alissa sa Canada.
That time ay nakaburol pa ang kanyang Lolo Miguel Barretto.





Comments