Ewan kung makakatulog pa sa gabi… Aktor, pineke ang pirma ng Madir na nasa abroad maibenta lang ang
- Netz Miralles
- Oct 23, 2019
- 1 min read

BLIND ITEM:
Bukod sa exposé ng Barretto sisters na sina Gretchen, Marjorie at Claudine, may inaabangan pa ring malaking pasabog ang showbiz world.
Una, ang gagawing pagdedemanda ng mommy ng isang sikat na male celebrity dahil sa anomalya ng pagbebenta sa kanyang property. Wala raw kaalam-alam ang nanay ng male celebrity na naibenta na ito ng anak niyang aktor nang hindi siya kinonsulta o humingi man lang ng permiso sa kanya.
Pineke raw ang kanyang pirma at ito ang gusto niyang ayusin kaya uuwi ng ‘Pinas ang mom ng sikat na male celebrity.
Ang isa pang malaking pasabog na tiyak na pagpipistahan ng lahat ay tungkol sa isang kaso na ipa-file ng isa sa mga kaanak ng yumaong female celebrity sa isa rin nilang kamag-anak na namamahala sa mga naiwang ari-arian ng namatay na celebrity. Tiyak na ikawiwindang ng lahat ang mga rebelasyon ng naghahabol na kaanak na maaaring mauwi sa korte.
Malalim din ang gap ng magkakapamilyang ito pero naging civil sila sa isa’t isa habang nakaburol pa noon ang sikat na female celebrity.





Comments