top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Video kumalat… Pacquiao, namudmod ng balato sa Dubai airport, mga Pinoy nagkagulo

Beth Gelena
Oct 22, 2019
1 min read

Beth Gelena / Bulgary Files

Photo: Team Sisson

Tuwang-tuwa ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Dubai. Namalato kasi ang senador at Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao nang magbakasyon ang kanyang buong pamilya sa binansa­gang City of Gold.

Sa video na in-upload ng Team Sisson online ay makikita ang mahabang pila sa Dubai airport. Akala ng mga taong naro­roon ay may kung anong kaguluhan na nangyayari. ‘Yun pala, mga Pinoy na humi­hingi ng balato mula sa butihing se­nador dahil sa pagkapanalo sa kanyang laban ilang buwan na ang nakararaan.

Ang asawa ni Janet Jamora na kakambal ni Jinkee (misis ni Manny) ang naatasang mamahagi ng pamamalato ni Pacman. Ayon sa mister ni Janet, mahigit P200K daw ang total cash na naibigay niya sa mga tao na mula sa bulsa ng People’s Champ.

Saad nga ng personal assistant ni Pac­quiao, akala raw niya ay pila papuntang restroom pero pila raw pala ng mga bibig­yan ng balato ng Pambansang Kamao.

Humanga ang mga netizens sa pagka-generous ni Pacman kaya sobra-sobrang blessings ang natatanggap ng People’s Champ at ng kanyang pamilya dahil hindi tinata­li­kuran ni Manny kung saan siya nanggaling. Ang mga biyayang nakakamit ay kan­ya ring ibinabahagi sa iba.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page