top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Mag-asawang tiyak na yayaman kung active ang sex life

  • Maestro Honorio Ong
  • Oct 22, 2019
  • 2 min read

Dear Maestro, Compatible ba kami ng BF ko na may birthday na February 7, 1989? Gusto ko ring malaman kung kami na ang magkakatuluyan at kung kami na, magiging maligaya kaya kami? Natatakot ako dahil baka humantong sa hiwalayan ang relasyon namin tulad ng nangyari sa mga kapatid ko na nag-asawa at nahiwalay din, tapos ‘yung isa kong kapatid, basta-bastang iniwan ng lalaki kahit marami silang anak at sa amin pa nakatira. October 9, 1990 ang birthday ko.

Umaasa, Ms. Libra ng Lambakin, Jaen, Nueva Ecija

Dear Ms. Libra Ang zodiac sign mong Libra at Aquarius ng iyong boyfriend ay pasado sa unang teoriya o batas ng compatibility dahil ang inyong zodiac sign ay kapwa nagtataglay ng elementong air o hangin. Ibig sabihin, sadyang compatible kayo ng boyfriend mo.

Karamihan sa mga mag-asawa na Libra at Aquarius ay yumayaman, lalo na kung ang Libra ay palabigay sa pang-emosyunal at sexual na hilig at pangangailangan ni Aquarius kung saan kapag sexually active ang mag-asawa, sila ay tiyak na yayaman.

Sa Numerology naman, halos ganundin ang pag-aanalisang kinauwian kung saan compatible rin kayo ng boyfriend mo dahil ang birth date mong 9 ay strong number na swak na isama sa weak number na 7 ng boyfriend mo.

Manghihiram siya ng lakas ng loob sa iyo habang ikaw ay gagabayan niya sa mga panahong sumusobra ang tiwala mo sa iyong sarili upang magpakumbaba at maghinay-hinay ka at huwag magpadalus-dalos ng pagpapasya.

Dagdag pa rito, dahil ang boyfriend mo ay may weak personality habang ikaw ay may strong personality, habang kayo ay nagsasama, hindi niya pasasakitin ang ulo mo at sa halip, ikaw ang magpapasakit ng ulo niya sa mga pagkakataong hindi kayo nagkakaunawaan sapagkat ikaw ang inaasahang magkokontrol ng inyong samahan dahil ikaw ang nagtataglay ng strong number.

Gayundin, nagpapahiwatig ito na sobra ang tiwala mo sa iyong sarili kung saan kapag hindi ka nagpasakop sa iyong boyfriend o sa magiging asawa mo, ‘yun nga ang mangyayari.

Sa halip na sumakit ang ulo mo at mamroblema, kabaligtaran ang mangyayari dahil siya ang magkakaroon ng mga alalahanin at problema sa buhay.

Gayunman, kung pananatilihin ninyong balanse ang inyong samahan kung saan huwag mo siyang pangunahan, sa halip, bigyan mo siya ng kumpletong respeto, tiwala at pagmamahal, hindi matutulad ang iyong pag-aasawa sa nangyari sa iyong mga kapatid.

Sa halip, sigurado na ang magaganap sa sandaling kayo ay magsama, kayo ay makabubuo ng masagana, maligaya at panghabambuhay na pagmamahalan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page