Knights, target ang best record, Risers at Bandera masusubok

Babasket para sa best record ang San Juan Knights sa Maharlika PIlipinas Basketball League Lakan Season sa sandaling makaharap ang Muntinlupa Cagers sa Miyerkules sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.
Babanat naman sa iba pang laro ang Bataan Risers kontra Parañaque Patriots ng 6:30 p.m. habang ang Rizal Xentro Mall Golden Coolers ay sasagupa sa Imus-Khaleb Shawarma Bandera ng 4 p.m.
Sa ibabaw ng 16-team North division na may 16-2 record, kapatas ang Knights sa Davao Occidental Tigers, na may 16-2 na maaring umangat sa 15-team South division pacesetters kung tatalunin ang Cagers sa 9 p.m. tussle.
Pinalakas nina star gunner John Wilson at high-leapers Mike Ayonayon at Jhonard Clarito ang Knights kontra Valenzuela SVP Top Marketplace, 78-68 noong Okt. 15.
Ang bagong bihis na Risers ay nagwagi ng tatlong sunod, ang huli ay 102—71 kontra Soccsksargen Marlins nong Okt. 15 at pinatibay ang kartadang 10-8 upang maging paborito kontra Patriots (7-12).





Comments