Kaya hinay-hinay lang sa pagtoma, besh at mga ‘tol... Alak, 3 araw mahigit ang itinatagal sa katawan
- Twincle Esquierdo
- Oct 22, 2019
- 2 min read

Ngayong kapaskuhan, siguradong marami na namang ganap kung saan hindi nawawala ang alak. Marami sa atin ang sanay nang uminom nito, pero meron ding umiinom lang kapag may okasyon tulad ng birthday, reunion at parties.
Pero mga besh, alam ba ninyo kung gaano katagal nananatili sa katawan ang alak?
Gayundin, puwede nating malaman kung ang isang tao ay nakainom base sa kanyang hitsura, amoy at kilos. Pero bukod sa mga ito, narito ang ilang paraan para malaman kung nakainom ng alak ang tao:
1. URINE TEST. Pamilyar tayo sa uri ng test na ito dahil ito ang kadalasang ginagamit para malaman kung may sakit ang tao. Pagkatapos uminom ng alak, nagbe-breakdown ito sa katawan kung saan naiiwan ang traces nito sa hininga, dumi at ihi. Ang alak ay kadalasang tumatagal nang 12 hanggang 80 oras sa katawan.
2. BLOOD TEST. Kadalasang ginagamit ang test na ito para malaman ang blood type ng tao, pero puwede rin itong gamitin para makumpirma kung nakainom o hindi ang indibidwal. Kukuhanan ng blood sample ang tao mula sa braso para masukat ang level ng alak sa katawan.
3. BREATHALYZER TEST. Madalas itong ginagamit ng mga awtoridad para malaman kung nakainom o hindi ang driver. Ipinagbabawal ang drunk driving at ito umano ang pinakamabilis na paraan para makumpirma kung nakainom ang driver. Kailangan lang hipan ang sample chamber ng device at malalaman na kung nakainom ang indibidwal.
4. MOUTH SWAB TEST. Ginagamitan ng cotton buds para makakuha ng sample ng laway. Ginagamit din ito para malaman kung gumagamit ng drugs ang tao.
Pagkatapos kumuha ng sample, isasailalim ito sa mga test at makukumpirma kung anong uri ng drugs o alak ang nasa katawan ng subject.
5. HAIR FOLLICLE TEST. Sa lahat ng nabanggit, ito ang test na may kakayahang ma-detect kung nakainom ang tao kahit 90 araw o tatlong buwan na ang nakalilipas. Gayunman, nakaaapekto sa test ang artipisyal na kulay ng buhok at pagpapawis ng tao.
Oh, ayan, mga ka-bulgar, alam na! Kaya minsan, nasasabi natin na may hangover tayo pagkagising dahil hindi naman agad-agad nawawala sa ating katawan ang alak.
Kaya hinay-hinay lang sa pag-inom ng alak dahil alam natin na hindi ito makatutulong sa ating katawan at kalusugan kapag sobra.
Kaya kapag hindi na kaya ay puwede namang magsabi ng pass sa mga kasama sa inuman. ‘Ika nga, “drink moderately”.
Copy?





Comments