Bantay-bantay din sa pagkain… Rita, nagmumura ang katabaan sa TV
- Erlinda Rapadas
- Oct 22, 2019
- 1 min read

May gustong iparating ang mga viewers ng One of the Baes kay Jowalyn (Rita Daniela) na nakakapansin na nagiging chubby ito at kitang-kita sa TV screen. Dapat daw bantayan ni Rita ang kanyang food intake, mag-diet at mag-gym para maiwasan ang paglapad.
Maaaring epekto lang ito ng pagiging masaya ni Rita sa success ng kanyang career. Nao-overlook niya ang kanyang figure at pati pisngi niya ay umuumbok kaya nagmumukha siyang bilugan.
May time pa kaya si Rita na mag-gym at mag-exercise? Lagi siyang busy sa teyping ng One of the Baes, tapos, journey hosts pa sila ni Ken Chan sa The Clash.
Dapat siguro, iwasan din ni Rita ang pagsusuot ng bulgy at maburloloy na outfit. Mas lumalaki siyang tingnan sa big screen.





Comments