top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Racasa, Canino at Cruz, matibay sa Thailand chess

  • Eddie M. Paez, Jr.
  • Oct 21, 2019
  • 1 min read

Hindi bumibitaw sa trangko ang mga paslit na pambato ng Pilipinas sa tatlong kategorya sa pangunguna nina Antonella Berthe Racasa, Ruelle Canino, Daniella Bianca Cruz at Jeremiah Luis Cruz sa ginaganap na 2nd Pattaya Open Chess Championships sa Bay Beach Resort ng Pattaya, Thailand.

Walang intimidasyon na nararamdaman ang tanging mga babae sa lead pack na sina Racasa (3rd seed) at Canino (4th seed) at nagbulsa sila ng tigalawang sunod na mga panalo para mapabilang sa walo-kataong nangunguna sa Under 12 Open category. Kasama rin ng dalawang dalaginding ang iba pang mga kinatawan ng bansa na wala pa ring talo sa kompetisyon. Ito’y sina Adrian Klein Cantomayor, Gladimir Chester Romero at Wayne Ruiz. Isang Pinoy chesser (Gio Troy Ventura) ang nagkampeon dito noong 2018. Kahati naman nila sa liderato si pRe-tournament favorite Myanmar ace Thiha Han Sai, Ang 5th ranked na Vietnam pride na si Duy Khuong Dau at si South Korean Ian Hong. Pero sa komposisyon ng lead pack, sa bakbakang Under 8, kasama si 14th seed Daniella Bianca Cruz sa nangungunang pulutong na binubuo rin ng tatlong Thai, isang Malaysian at kinatawan ng India. Nagsosolong kinatawan din ng bansa sa pulutong ng may hawak ng trangko sa Under 16 na bracket si Jeremiah Luiz Cruz.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page