top of page

Paulit ulit na panaginip na namatay ang mga mahal sa buhay

  • Socrates Magnus
  • Oct 21, 2019
  • 1 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Lyn ng Lyn_Geronimo@facebook.com

Dear Professor, Masama ba ang panaginip na may namatay? Ilang beses ko nang napapanaginipan ang mga taong malapit sa akin na namatay. Mula sa kamag-anak ko hanggang sa mga kaibigan ko. Palagi ko ring napapanaginipan na kinakausap ko ang nakaaway ko. Sana ay malaman ko ang ibig sabihin ng mga ito dahil paulit-ulit kong napapanaginipan ang dalawang senaryong ito.

Maraming salamat!

Naghihintay, Lyn

Sa iyo, Lyn, Walang masama kung mapanaginipan ang may namatay. Kaya lang, karamihan sa ating mga Pinoy ay nakasandal sa mga pamahiin.

Pero sa kasalukuyang takbo ng panahon kung saan kinahuhumalingan ang mga social media, konting panahon na lang ay mabubuhay na ang mga Pinoy nang may positibong pananaw dahil ang palaging nababasa sa social media ay ang quote na: “Be positive and you will live a positive life.”

Ano ang katotohanan tungkol sa kamatayan? Sabi nila, in death, there is life, kumbaga, kapag may namatay, may bagong buhay.

Ayon sa iyong panaginip, marami sa mga malalapit sa iyo ang magkakaroon ng bagong buhay, partikular sa pagpapaunlad ng kanilang buhay.

Baka maiwan ka, ito ang paalala ng iyong panaginip kaya ang payo sa iyo, mag-adjust ka para makasabay ka sa pagpapaunlad ng kanilang buhay.

Samantala, ang pagkausap mo sa mga nakaaway mo ay nagsasabing suriin mo ang iyong sarili at sa pagsusuri, dapat maging tapat ka. Bukod pa rito, alamin mo ang iyong mga kahinaan, kapintasan at pagkukulang dahil minsan, ang mga ito ang nakikita at dahilan ng pagkainis ng kaaway mo dahil minsan, ang mga ito ang kanilang kinaiinggitan.

Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page