top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Philracom 3yo imported at Local Challenge race

Ding Taboy
Oct 20, 2019
2 min read

RENDA at LATIGO

Aalagwa ngayong hapon ang 2019 Philracom 3 Year Old Imported/Local Challenge Race sa San Lazaro Leisure Park (SLLP) sa Carmona, Cavite.

Kasabay nito magaganap ang Rating Based Handicapping System (RBHS) na may dalawang Winner-Take- All (WTA), Pick 6, 5 at isang Pick 4. Magsasalpukan ang mga kalahok na kinabibilangan ng couple entry na Mark of Excellence at To It’s Bing, Will to Win, What A Feeling, Refuse to Lose at Patong Patong.

Tatanggap ng trophy at P900,000 ang magkakampeon sa 2019 Philracom 3 year old ‘Imported/Local Challenge Race, pagkakalooban ng P337,500 ang pangalawa habang may P187,500 ang 3rd place at may P75,000 ang 4th place. Sa Race 1 unang magaganap ang 1st WTA na ipinapatok ang couple enrty na Buckingham Palace at Musikera.

Sa Race 2, nakalalamang ang Digame at makakalaban ng mahigpit ang Great Connection, isama ang couple entry na Tenseventeen at Ava’s Tale, Kid Baloloy at Ambet Ko To sa Trifecta, Quartet at Pentafecta.

Nakalalamang ang couple entry na Lucky Saver at Trust Worthy habang may panalo ang Musketeer at puwedeng isama ang Liliput, Pendant at Jacobo’s Magic sa Trifecta, Quartet, Pentafecta at Super Six. Sa Race 4, ipinapatok ang couple entry na Mark of Excellence at To It’s Bing at magbibigay ng laban ang What A Feeling at Patong Patong,

Sa 1st Pick 5 na magaganap sa Race 5, ipinapatok ang Genie Hello at puwedeng i-forecast ang Magnifico. Magaganap ang 2nd WTA sa Race 6 at pinapaboran ang Steadfast of Love at makakalaban ang Sangat Island.

Labanan ang magaganap sa pagitan ng Daangbantayan, One More One More, Gunga Din at Princess Mamba sa Race 7 at 2nd Pick 6.

Sa Race 8, ipinapatok ang couple entry na Atikupung Sinsing at Humuhumunukunuku at makakalaban ang Native American. Nakalalamang ang Cost Less sa Race 9 habang maglalaban ang Mandatum at Elle Street sa Race 10. Mahigpit na maglalaban ang mga kalahok na Magtotobetsky, Harapin ang Bukas couple entry na Boni Avenue at Matriarchal, My Dad Bogart at Miss Marshall at Lucky Juliane.

Magsisilbing parating sa Race 12 ang couple entry na Hamlet at Lemonada at Gomper Girl sa condition race merged 10.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page