top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Panoorin daw siya ng lahat dahil magbibigay-inspirasyon… Sigaw ni Pacquiao: 3 Hollywood films ang of

  • Ador Saluta
  • Oct 20, 2019
  • 2 min read

Nakapanayam namin ang Pambansang Kamao na si Senador Manny Pacquiao last Friday, October 18 sa RSVP Studios, Sucat, Paraña­que para sa teaser/trailer shoot ng kanyang pelikulang Miguel Malvar, na ayon sa ating People’s Champ, tatlong international films ang kasabay na in-offer sa kanya, pero tinanggihan niya ang dalawa at mas binigyan niya ng priority ang ating bayaning si Malvar.

“Sa tatlo (Hollywood films), ‘yun munang Freedom Fighters ang tinanggap ko kasi based ito on a true-to-life rin, about World War II,” bungad ni Manny sa amin.

Hindi na raw siya nagdalawang-isip nu’ng kausapin ng producer ng JMV Productions na si Atty. Jessie Malvar Villegas, isa sa mga apo ni Gen. Malvar, na siya ang first choice nito na gumanap ng heroic film bio ng kanyang lolo.

Katwiran ni Manny, “Pansin n’yo, mga true-to-life stories muna ang ginagawa ko lalo na sa mga bayani ng bansa natin. Ini-enjoy ko ang trabaho, basta maganda (ang role), basta makakapagbigay ng inspirasyon sa bawat Pilipino,” dagdag pa ni Manny.

Magkakaroon daw ng grand first shooting day sa probinsiya ng Batangas nga­yong huling Linggo ng Oktubre at ayon sa napiling publicist ng JMV Productions na si PMPC President Sandy Es. Mariano, malaking dele­gasyon ng media ang ipinai­imbita sa nasabing presscon kasabay ng “pasabog” ng ating Boxing Champ, Manny Pacquiao.

Ang nasabi kayang ‘pasa­­bog’ ay pamumudmod ng se­na­dor ng kanyang blessings? Abangan!

Naging saksi rin kami sa nangyaring freak accident involving Senator Manny at isang foreigner na talent (na gumaga­nap as Spanish soldier) habang isinu-shoot ang nasabing ekse­nang gagawing teaser kung saan tinamaan ng espadang gawa sa aluminum ang daliri ni Manny.

Dumugo ito subalit agad na inagapan ang sugat. Nilagyan ng gamot at bandage ang daliri ni Manny. Pan­­samantalang nagpahinga ang boxing champ at maya-maya ay nagpasabing okay na siya.

“Pero, okay lang. Ano ‘yan, magandang buwena mano itong sugat na ‘to,” biro pa niya.

Samantala, naitanong ni Dyan Castillejo ng TV Patrol kung may panahon pa siyang gumawa ng pelikula at mag-shooting ng ilang buwan considering na isa siyang senador? Baka nga i-bash siya ng mga kalabang oposisyon. Sa probinsiya pa naman sa Batangas at sa Cavite ang napiling location para sa Miguel Malvar story.

“May oras naman ako, sasamantalahin ko habang nakabakasyon.”

Ang tinutukoy niyang oras ay ang Senate session na tatagal hanggang sa first week ng November.

“Sa Batangas ang una (location) dahil dito mismo naganap ang pakikipaglaban at kabayanihan ni Miguel Malvar,” ayon pa sa ating senador.

Ang pelikula about Malvar ay ipapalabas internationally ayon na rin sa Pambansang Kamao kaya’t ang kanyang panawagan, “Mga kababayan kong Pilipino, itong General Malvar ay napakaganda, abangan ninyo ito. Lahat ng Pilipino, saanman sulok ng mundo, ina­anyayahan kong suportahan n’yo ‘to. Story ito ni Gen. Malvar para makapagbigay sa atin ng inspirasyon at bumalik muli ‘yung patriotism sa bansa.”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page