Horoscope | Oktubre 20, 2019 (Linggo)

Sa may Kaarawan ngayong Oktubre 20, 2019 (Linggo): Totoong masuwerte ka. Kailangan mo pa ring maging masinop nang sa gayun ay hindi mo masabi sa huli na ang natira sa iyo ay kuwento ng mga naging masuwerte.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kahit saan ka magpunta, nakasunod sa iyo ang saya dahil gusto ng langit na palagi kang masaya nang sa gayun ay magpatuloy ang iyong kasiglahan at positibong pananaw sa buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-19-27-28-30-31.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Dadalawin ka ng suwerte. Oo, kung sino ang bumisita sa iyo, siya ang suwerte mo. Kung sino ang makipagkuwentuhan sa iyo nang matagal, siya rin ay isa sa suwerte mo ngayon. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-19-20-24-26-34-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Nagbababala ang araw na ito na malilibang kang muli sa mga sayang nakukuha sa iyong mga nakakasama. Ito ay babala dahil ang paghahanda mo sa iyong kinabukasan ay nakataya. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-17-20-29-36-42.
CANCER (June 21-July 22) - Habang maiksi ang kumot, magtiis na nakabaluktot. Ito ang iyong isabuhay habang hinihintay mo ang mga araw kung kailan ka magpapakasasa sa masasarap na bagay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-15-18-20-25-26-35.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kung ano ang nararapat, ‘yun ang iyong isabuhay. Ipinaaalala sa iyo na hindi lahat ng matuwid ay nararapat at hindi lahat ng katotohanan ay sinasabi nang walang pakundangan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-14-15-22-27-37.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ituloy mo ang gusto mong gawin. Ito ang kailangan mo dahil ang paulit-ulit na pagkakaudlot ng mga gusto mong gawin ay magreresulta sa pagiging negatibo ng buhay mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-19-20-28-33-39-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nagbalik ang malakas mong karisma. Hindi ka puwedeng maliitin ng kahit sino dahil kahit kailan mo gustong magningning ay magagawa mo ito kung saan mapapahiya ang walang bilib sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-11-15-21-25-32.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nasa isip mo lang ang iyong mga ipinag-aalala. Madali lang ang solusyon para rito, ikilos mo ang mga kamay mo kahit parang ayaw mo at maging abala ka sa pagpapaganda ng buhay mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-18-20-21-24-25-39.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Dumikit ka sa masayahin at sasaya ka. Gawin mo ito dahil hindi mo na kailangan ang mamahaling medisina para labanan ang malalim na lungkot na umaalipin sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-17-21-25-33-31.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi maaalis ang kaba mo. Naiisip mo kung paano paghahandaan ang darating na mga araw kung saan obligado kang mamigay ng mga regalo. Malayo pa ‘yun at huwag kang mag-alala. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-13-18-26-33-38-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Muling nagbalik ang mga araw na sa una ay aakalain mong hindi maganda ang takbo ng mga pangyayari, pero sa huli, isisigaw na para pala sa iyo ang mga huling halakhak. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-19-21-23-39-40-46.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi ka bibiguin ng langit. Mali ang pag-iisip mo na kapag marami kang pagkukulang ay hindi ka Niya pakikinggan. Magsabi ka at hindi ka mapapahiya dahil ikaw ay pagbibigyan ng nasa itaas. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-17-21-23-30-34.




Comments