Habang kasama mo si labs, si BFF o kahit ang mga katropa... 5 Horror movies na swak na panakot ngayo
- Thea Janica Teh
- Oct 20, 2019
- 2 min read
Bulgarific Lifestyle

Panahon na naman ng katatakutan ngayong Oktubre, mga bes! Bukod sa ex mong nang-ghost, sino pa ang ayaw mong dumalaw sa bahay ninyo?
Mabuti pa, kayo na lang ang dumalaw sa SM Cinema at yayain ang buong pamilya at barkada para sa Sine Sindak 2 Horror Film Festival!
Ngayong October 23-29, 2019, ipalalabas na ang 5 horror films na tiyak na katatakutan ng lahat, ngunit, ang presyo ng ticket ay hindi natin katatakutan dahil P120 lang. Hindi lang ‘yan, mga bes, dahil ang P199 mo ay unlimited one-day pass na!
Ito ang 5 movies na ating mapapanood:
1. DEADSIGHT. Ito ay tungkol sa kung paano makasu-survive ang bulag na lalaki at buntis na pulis sa deadly virus na kumakalat sa Grey County. Ito ay sa direksiyon ni Jesse Thomas Cook at pinagbibidahan nina Liv Collins, Adam Seybold, Ry Barrett at marami pang iba.
2. EVIL’S CURSE. Isa sanang magandang bakasyon ang inaasahan ng mga backpackers at isang babae sa beach, ngunit, tila may gustong sumali at sumira sa kanilang bakasyon. Paano kaya nila ito matatakasan? Abangan!
3. DOORLOCK. Ito ay tungkol sa babaeng mag-isang nakatira sa isang studio apartment at isang araw, nakakita siya ng ilang ebidensiya na may history ng murder case. Ano pa kaya ang hiwagang bumabalot sa kanyang apartment? Ito ay sa direksiyon ni Lee Kwon at pinagbibidahan nina Kong Hyo-Jin, Kim Ye-Won, Kim Sung-Oh, Jo Bok-Rae at marami pang iba.
4. THE ONLY MOM. Mapayapang naninirahan ang isang pamilya kasama ang kanilang autistic na anak. Habang tumatagal, nag-iiba ang pag-uugali at nagiging sweet ang kanilang anak, ngunit, patagal nang patagal ay nagiging misteryo na ito sa pamilya. Anak pa rin kaya nila ang kasama nila o isa nang espiritu na naninirahang kasama nila? Ito ay sa direksiyon ni Chartchai Ketnust.
5. LOOK AWAY. Ito ay isang 2018 Canadian psychological horror drama film tungkol kay Maria (India Eisley). Siya ay isang high school student na nag-iba ang pamumuhay dahil sa kanyang sinister mirror image. Ito ay sa direksiyon ni Assaf Bernstein.
Mga bes, tara na at magtakutan ngayong halloween! Maaari nang bumili ng ticket sa SM Cinema App na puwedeng i-download sa app store at ticket booth nila sa SM Malls, nationwide! Kitakits!





Comments