top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

P58.73 Bilyon, puwedeng ipautang ng Pag-Ibig para sa mga gustong magkabahay

Thea Janica Teh
Oct 19, 2019
2 min read

Bulgarific

Hello, Bulgarians! Sa lumipas na tatlong quarter ngayong taon, umabot sa P58.73 bilyon ang inilabas para sa home loan ng Pag-IBIG Fund! Ang double-digit growth na ito ang pinakamataas na amount na na-release ng ahensiya sa loob lamang ng mga buwan ng January hanggang September.

Tumaas ng 13% o P6.97 bilyon ang inilabas na home loan kumpara noong isang taon na P51.76 bilyon. Tumaas din ng 4% year-on-year to 65,375 ang financed homes ng Pag-IBIG Fund.

“Hindi pa natatapos ang taon, pero napakaganda na ng lumalabas na record mula sa home loan sa loob lamang ng January hanggang September. Patuloy lamang ang pagbabahagi natin sa nalalabing buwan ng taong ito para maibigay ang abot-kayang bahay sa mga Pinoy. Ito ay kabilang sa mga ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibigay ang magandang benepisyo sa mga Pinoy” bahagi ng pahayag ni Secretary Eduardo D. del Rosario, chairman of both the Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) at ang Pag-IBIG Fund Board of Trustees.

Mula sa total amount, idinagdag ni Sec. Del Rosario na ang P7.18 bilyon ay inilabas para sa socialized loan na napakinabangan ng halos 18,715 miyembro na kabilang sa minimum wage at low income sector.

“Dati, umaabot lamang sa P30 bilyon hanggang P45 bilyon ang inilalabas sa home loan, pero pagdating ng 2016, nagsimula na itong tumaas ng P55 bilyon at naglabas ng P57.31 bilyon. Palagi namin itong itinuturing na challenge para mahigitan pa ang nakaraang taon. Kaya naman, pagdating ng 2017, umabot ito ng P65 bilyon at P75 bilyon naman noong 2018. Ngayon na nasa pangatlong quarter na tayo ng 2019, patuloy lamang ang pagtaas ng pag-release ng home loan”, sabi ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy P. Moti.

Inaprubahan na ng Pag-IBIG Fund ang P80.87 sa home loan mula January hanggang September para maipatayo ang halos 84,904 na bahay. Kabilang din dito ang P22.14 bilyong pending for takeout sa 19,529 borrowers. Ang mga pending borrowers na ito ay hinihintay na lamang na magpasa ng post-approval requirements.

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page