Magsasaka, dedbol sa kuryente
Maguindanao—Patay ang isang magsasaka nang makuryente kamakalawa sa Bgy. Layog, Pagalungan.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Ammad Kasan, nakatira sa nabanggit na barangay.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, gumagawa umano ng alambreng sampayan si Kasan sa loob ng bakuran ng kanilang bahay nang mapahawak ito sa live wire kaya nakuryente.
Sa lakas ng boltahe ng kuryenteng tumama kay Kasan ay halos masunog ang buong katawan ng biktima.
Kaagad dinala ng kanyang mga kamag-anak si Kasan sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.





Comments