top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kesa mangutang sa iba… Rufa mae, ibinebenta na ang mga signature bags and shoes | Padir ni Michael V

  • Erlinda Rapadas
  • Oct 19, 2019
  • 1 min read

Wala namang masama kung totoong nagdi-dispose at nagbebenta na ng kanyang mga branded bags at alahas ang sexy comedienne na si Rufa Mae Quinto. Aanhin naman niya ang sandamakmak na mamahaling signature bags atbp. gamit na nasa kanyang collection?

Praktikal lang sa buhay si Rufa Mae at hindi naman ito nangangahulugan na purita mirasol na siya ngayon. Mabuti nga at nakaipon pa siya ng mga mamahaling bags at sapatos noong kumikita pa siya nang malaki at marami pa siyang projects. At least, hindi na siya mangungutang kung kailanganin niya ng extra cash.

Walang dapat ikahiya si P-Chi (nickname ni Rufa) sa ginagawa niyang pagbebenta ng mga gamit lalo na’t para sa anak niya ang lahat.

◘◘◘

Nakiramay kay Michael V. ang kanyang mga co-stars/production staff ng Bubble Gang at Pepito Manaloto sa pagpanaw ng kanyang mahal na ama na si Ginoong Cesar Felix Bunagan na nakaburol ngayon sa Loyola Chapels, Commonwealth. Iuuwi ang kanyang abo (na-cremate na) sa kanilang lalawigan sa Bacolod sa Lunes.

Anyway, kahit na nagluluksa ang Bunagan family, the show must go on. Tuloy pa rin ang pagteteyping ni Bitoy ng Bubble Gang at Pepito Manaloto pagkatapos ng libing ng kanyang ama.

Mapapanood ang Nanny Cam episode ng Pepito Manaloto ngayong gabi kung saan special guests sina Anjo Damiles, Teri Malvar, atbp.. Magiging health conscious ang lahat ng staff ng PM Mineral Water.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page