Drug suspect, nang-agaw ng baril, tepok
Quezon—Isang drug suspect ang napatay nang agawin nito ang baril ng pulis na umaresto sa kanya kamakalawa sa Bgy. Malabanban Sur, Candelaria.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Mike Ryan Magcawas, residente ng Bgy. Sta. Teresita, Sto. Tomas, Batangas.
Nabatid na habang nagsasagawa ng surveillance operation ang mga awtoridad ay nakita nila si Magcawas sa nasabing lugar at nang sitahin ay biglang inagaw ng suspek ang baril ng isa sa mga pulis.
Dahil dito, napilitan ang mga awtoridad na barilin si Magcawas.
Dinala pa ng pulisya si Magcawas sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.





Comments