top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

7th NPC-benefit and special race

  • Ding Taboy
  • Oct 19, 2019
  • 2 min read

RENDA at LATIGO

Hahataw ngayon ang 7th National Press Club (NPC)-Benefit and Special Race sa San Lazaro Leisure Park (SLLP) sa Carmona, Cavite.

Magandang karera ang matutunghayan ng bayang karerista sa siyam na laban sa Condition Race na tampok ang NPC- Ping–Ping Lechon Special Race, NPC Marlon Cunanan Special Race, NPC-Don Edong Diokno Special Race at Pagcor Benefit Race.Kasabay nito dalawang Winner-Take-All (WTA) ang magaganap at Pick 6, Pick 5 at Pick 4. Unang bibitawan ang Race 1, ang 1st WTA na paglalabanan ng mga kalahok na Magnum Force, Case Bell at Indelible Quaker.

Sa Race 2, nakalalamang ang Sande habang makakalaban ang Fighter in the Wind. Magaganap ang 2nd WTA sa Race 3 at pinapaboran ang couple entry na at Be Humble at No Regret na magsisilbing kalaban ang Doktora. Sa Race 4, magsisimula ang Pick 6 at maglalaban-laban ang mga kalahok na Classic Gee, Sharp Mover at Marino ng Tanglaw.

Nakalalamang ang Et Al at makakalaban ang Apollo of Aquila sa simula ng Pick 5 sa Race 5.Sa Race 6 nakalalamang ang Pax Britannica, ngunit pobsibleng talunin ng The Catalyst at isama sa mga paratingan ang King Gil na simula ng Pick 4. Nakalalamang ang Kentucky Rain kontra sa Jebel Ali, Lady Zip at Great Style sa Race 7.

Sa Race 8, ipinapatok ang Beautiful Star habang makakalaban ang Adorable Felicia, Toscana, The Patriot at Mark The Spot. Ipinapatok ang Teleporter at magsisibing kalaban ang Simlong Rock na magiging paratingan sa WTA, Pick 6, 5 at 4.

Tips ni Mang Ding: Race 1- Indelible Quaker (5) Magnum Force (3) Race 2- Sande (3) Fighter in the Wind (4) Race 3-Doktora (11) Entry no.3 Race 4- Entry no.3 Classic Gee (2) Race 5 Et Al (4) Apollo of Aquila (9) Race 6-The Catalyst (4) Pax Britannica (2) King Gil (1) Race 7-Kentucky Rain (1) Lady Zip (8) Race 8- Beautiful Star (4) Toscana (5) Race 9- Teleporter (3) Simlong Rock (9) 1st WTA(1-7)5-3/3-4/11-1/3-2/4-9/1-3/1-8/ 2nd WTA(3-9)11-1/3-2/4-9/1-3/1-8/4-5/3-9/ Pick 6(4-9)3-2/4-9/1-3/1-8/4-5/3-7/ Pick 5(5-9) 4-9/1-3/1-8/4-5/3-7 Pick 4. (6-9)1-3/1-8/4-5/3-7

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page