top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Superstar na raw, inisnab pa… Kampo ni Nora, todo-palag sa pagkakalaglag sa MMFF 2019

  • Erlinda Rapadas
  • Oct 18, 2019
  • 1 min read

Dismayado at nalulungkot ang libu-libong Nora­nians nang malamang hindi nakapasok ang peli­kulang Isa Pang Bahaghari sa final slot ng wa­long pelikulang entries sa MMFF 2019.

Maganda naman ang istorya nito at ma­lalaking artista ang kasama ni Nora Aunor tulad nina Phillip Salvador at Michael de Mesa. De-kalibreng direktor din si Joel Lamangan at ginastusan ng Heaven’s Best Productions ang kanilang entry.

Umaasa pa naman ang mga fans and supporters ng Superstar na may movie silang susupor­tahan sa darating na Metro Manila Film Festival 2019. Hindi tuloy maiwasang magtanong ng mga Noranians kung anu-ano ang batayan o criteria ng MMFF 2019 committee sa pagpili ng mga entries?

Kung star quality ang ha­nap, eh, hindi naman pade­deha­do sina Nora, Phillip at Michael na pawang maga­galing na artista at may mga followers pa rin naman sila.

Nakakapanghinayang lang na ang isang obra ng di­rektor na si Joel Lamangan ay hindi nakalusot sa MM­FF 2019. Last year, ang movie niyang Rainbow’s Sunset ay pina­­pu­rihan at humakot ng mara­ming awards at kumita sa ta­kil­ya. Produced din ito ng Hea­ven’s Best Productions.

Sana ay mabigyan ng ma­gan­dang playdate ang Isa Pang Bahaghari.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page