top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg

Horoscope | Oktubre 18, 2019 (Biyernes)

  • Maestro Honorio Ong
  • Oct 18, 2019
  • 2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may Kaarawan ngayong Oktubre 18. 2019 (Biyernes): Hindi masasayang ang mga pag­sisikap mo dahil aani­hin mo ang matatamis na bu­nga ng iyong pinaghira­pan.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi mo kon­trolado ang sitwasyon sa araw na ito. Makabubu­ting huwag kang sumalu­ngat sa agos ng buhay ha­bang naghihintay ng ma­gandang araw na para sa iyo. Masuwerteng ku­lay-violet. Tips sa lotto-5-19-20-24-38-41.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nakaha­rap mo na nang mukha­an ang kabiguan kaya wala nang dahilan para hindi ka lumaban sa mga hamon ng iyong kapala­ran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng ku­lay-peach. Tips sa lotto-5-18-24-39-41-45.

GEMINI (May 21-June 20) - Bubukas ang mara­ming pintuan ng opor­tunidad para sa iyo. Piliin mo ang tugma sa linya mo at puwede mo ring subukan ang tugma sa mga hilig mo. Masuwer­teng kulay-red. Tips sa lotto-2-17-20-25-36-42.

CANCER (June 21-July 22) - Balewa­lain mo ang mga negati­bong pa­nanaw na labas-masok sa isipan mo at ku­milos ayon sa iyong plano. Huwag mong baguhin o palitan ang mga paraang nasa plano. Masu­werteng kulay-brown. Tips sa lotto-14-17-25-38-41-43.

LEO (July 23-Aug. 22) – Hang­ga’t uma­asa ka sa ka­pwa mo, hindi uusad ang iyong buhay. Kalimu­tan mo ang kani­lang pagkukulang sa iyo dahil mas magan­dang la­ngit ang gumawa nito para sa iyo. Masuwer­teng ku­lay-white. Tips sa lotto-2-18-21-25-27-34.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi ka ma­bibigo kahit sa biglang-tingin ay wala kang bilib sa iyong sarili dahil ang kapalaran ng tao ay kontrolado ng la­ngit at hindi ng kahit sino. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-24-25-31-32-35.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi ito ga­bay ng kapala­ran, ito ay mang­yayari. Ayaw mo man o hin­di, mabibisto mo ang katotohanan na hindi ta­pat ang mga nagpapa­kita ng kabutihan sa iyo. Masu­wer­teng kulay-yel­low. Tips sa lotto-1-17-21-23-38-45.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kahit na­kabukas ang pintuan ng ma­­gandang pagkakataon para gu­manda pa ng bu­hay mo, hindi ka papasok dahil sa pag-aalinlangan na hindi mo natatalo. Ma­suwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-14-18-20-29-33-36.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung ma­­init ang ulo mo, lumayo ka sa kinaiinisan mo. Hindi makabubuti kung makiki­pagbanggaan ka sa hindi mo kapantay o kauri ng pag­katao. Masuwer­teng kulay-pink. Tips sa lotto-16-17-20-21-23-33.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong maliitin ang sarili mo. Mas magandang isa-isa­hin mo ang iyong mga ta­gumpay na napasaiyo noon at ang magagandang katangian mo. Masuwer­teng kulay-beige. Tips sa lotto-11-14-15-23-35-44.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mo nang ba­lik-balikan ang nakaraan na dahil hindi susulong ang buhay ng tao kapag siya ay na­katutok sa nakaraan. Da­pat mong maunawaan na ang pagsulong ay pa­abante. Masuwerteng ku­lay-blue. Tips sa lotto-9-13-20-21-26-32.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kalma lang! Huwag mong bunutin ang espada mo. Ang taong kalmado ay nakapag-iisip nang mabuti. Ang mabi­lis naman magalit ay tinatalo ng emosyon kaya lumalala ang sitwasyon. Masuwer­teng kulay-black. Tips sa lotto-8-10-12-23-28-31.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page