Mag-aambag ng dream medal ang Weightliefting
- Gerard Arce
- Oct 16, 2019
- 1 min read

Susubukan ng Philippine Weightlifting team na makapag-ambag ng medalya para sa Pambansang koponan sa pangunguna ni 2016 Rio Olympics silver medalist at 2018 Asian Games gold medal winner Hidilyn Diaz sa nalalapit na pagbubukas ng 30th Southeast Asian Games sa Nob. 30-Dis 11 ngayong taon.
Nanaisin din ng 28-anyos na Philippine Air Force personnel na sumasabak sa women’s 55kgs category na makuha na ang kauna-unahan niyang gold medal sa regional meet kung saan nakuha lang nito ang silver medal noong 2011 Jakarta-Palembang at 2013 Myanmar meet sa 58kgs, samantalang walang weightlifting noong 2015 Singapore habang walang women’s event sa 2017 Kuala Lumpur meet.





Comments