Kaya raw namimili lang ng work… Sigaw ni Enchong: Yaman ko, 'di lang sa showbiz galing!

Winner ang Kapamilya star na si Enchong Dee sa kategoryang Best Single Performance By an Actor sa 33rd Star Awards for Television ng Philippine Movie Press Club) na ginanap sa Henry Lee Irwin Theater ng Ateneo de Manila University sa Loyola Heights, Quezon City nu’ng Linggo nang gabi.
Labis na pasasalamat ang laman ng mensahe ni Enchong nu’ng tanggapin ang kanyang trophy.
“Thank you so much. Thank you sa lahat ng bumoto. Thank you sa lahat ng pumili,” pasasalamat ni Enchong nu’ng makausap namin siya sa dressing room ng Henry Lee Irwin Theater after the event.
Siguro, pagkatapos niyang manalo ng award, mabibigyan na siya ng bagong drama series ng ABS-CBN.
One year na pala siyang ‘di gumagawa ng teleserye. When we asked him why, hindi rin daw niya alam.
“There were offers in the beginning but kailangan mong timbangin, ‘di ba? So, kailangan ko munang intindihin kung gagawin ko ba ‘to dahil gusto ko lang gawin or gagawin ko lang ba ‘to dahil wala nang maibigay?”
Gusto raw ni Enchong na pinag-iisipan muna nang maigi kung tatanggapin niya ang bagong TV show.
Nilinaw naman ni Enchong na ‘di porke wala siyang serye for one year ay pag-iisipan na niyang lumipat ng ibang network.
“Hindi pa siguro tamang panahon para tanungin ko... kasi may kontrata pa ako, eh. Alam mo, honestly, hindi ko siya iniisip talaga. Because, pakiramdam ko, hindi naman talaga siya, hindi ko kinukuha lahat ng kayamanan ko sa showbiz. So, parang, it’s a craft for me. It’s something that I really value. It’s something that I’m very passionate about. So, kailangan kong pag-isipan hindi lang dahil sa pera ‘yung show business.”
Sa August, 2020 matatapos ang kontrata ni Enchong sa Kapamilya Network. Hindi naman daw siya naiinip dahil may mga pelikulang dumarating sa kanya.
What’s keeping Enchong excited nowadays is his forthcoming film under Ten17 Production.
“We will start filming next month. Kina Direk Paul (Soriano), it’s a partnership with Tincan, ‘yung kay Toni (Gonzaga) naman na production. I’m looking for that kasi, hindi siya pang-MMFF, pero dream ko talaga na makatrabaho sina Direk Paul. Kasi, I feel like that they do quality at the same time, may box office marks, so and so.”
Kilala rin si Enchong na very active sa pagpo-post sa social media na may kinalaman sa social issues at ibang government officials. At dahil dito, madalas naba-bash siya.
Sa kabila nito, patuloy pa rin si Enchong sa pagpo-post ng saloobin sa mga nagaganap sa ating bansa.
“Dapat nakikialam tayo sa mga nangyayari sa bansa natin, ‘yun lang ‘yun. Pero nasa kanila naman, kumbaga, tayo naman, komportable ang buhay natin. ‘Yung mga hindi, ‘yung mga iniisip natin, so, kung sila, ayaw nilang mag-improve ang buhay nila, okey lang.”
Kahit bina-bash na raw siya, okey lang sa kanya.
“Mahal ko ang bansa natin, eh. Ipaglalaban ko ang bansa natin. Kasi kahit iba-iba tayo ng opinyon, at least, may conversation, ‘di ba?”
Samantala, kinuha namin ang reaksiyon ni Enchong sa bagong appointment sa gobyerno ni Mocha Uson na minsan nang nagkaisyu sa kanya.
“Congratulations,” tugon ni Enchong. “We’ll be watching,” seryosong sabi niya.
Tinanong din namin si Enchong kung may plano ba siyang pumasok sa pulitika.
“Heeeh! Ayoko ‘yan,” mabilis na sabi niya. “Masaya na ang buhay ko sa kakaunting pera.”
“Kaunti lang ba?” biro namin kay Enchong. Natawa lang siya.
Ang balita namin ay may ilang buildings nang pag-aari si Enchong.
“Baka masilip tayo ng BIR. Quiet na lang talaga,” aniya.
Then, kinumusta namin ang kanyang love life.
“Siguro, if I would and if I have right now, I would just keep quiet. I’d rather learn from my experiences from the past. Kasi parang, all of a sudden, ang daming involved ‘di ba? So, I’d rather keep it quiet.”
Inamin niyang nakikipag-date naman siya ngayon.
“Definitely,” diin niya.
Anyway, mapapanood ang buong kaganapan sa 33rd Star Awards for Television sa Linggo (October 20) sa Sunday’s Best ng ABS-CBN.





Comments