Biggest hackathon sa 'Pinas, target ang guinness world of records
- Thea Janica Teh
- Oct 16, 2019
- 1 min read
Bulgarific

Hello, Bulgarians! Tayo na at magsama-sama sa most awaited at biggest hackathon sa bansa! Gaganapin sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City ang “Impact Hackathon” ngayong October 30-31, 2019!
Bukod sa Smart Araneta Coliseum, sasali rin ang 15 locations, nationwide sa 24-hour on-the-spot coding marathon. Susubukan ng Pilipinas na masungkit ang Guinness World Records (GWR) sa pinakamaraming programmers, developers at innovators na gagawa ng sustainable solutions sa specific problem statement na galing sa ilang multi-stakeholder partners. Ito ay pinangunahan ng Impact Hub Manila, ang pinakamalaking network ng impact entrepreneurs na may 17,000 members sa halos 100 hubs na located sa 50 countries. Matatagpuan ang Global Community Headquarters nito sa Vienna, Austria.
Ang Impact Hub Manila ay pinangungunahan ni CEO and Founder Ces Rondario. Siya rin ang humahawak sa mga hub sa Cambodia, China, Indonesia, Japan, New Zealand, Malaysia, Myanmar at Taiwan.
Ang kasalukuyang record-holder ng GWR ay ang Hajj Hackathon, coding event sa Saudi Arabia na dinaluhan ng halos 2,950 katao. Ang Impact Hackathon ay official attempt ng Impact Hub Manila at ang target number of attendees nila ay mahigit 10,000, isama pa ang 3,500 encoders na nasa single venue sa Smart Araneta Coliseum!
Para makasali sa world’s largest impact event ngayong taon, mag-register lamang sa www.impact2050.com/tickets. Para sa iba pang detalye o katanungan, maaaring bisitahin ang www.impact2050.com/hackathon o mag-email kay Camille Lim sa camille.lim@ impacthub.net.
Kaya ano pa ang hinihintay ninyo, mga katsika? Maging bahagi na ng world record na ito!
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments