top of page

Alam na, mga beshy! Pagse-cellphone habang pumupupu, nakaka-almoranas

  • Twincle Esquierdo
  • Oct 16, 2019
  • 2 min read

Isa ka ba sa hindi nakasu-survive sa banyo nang hindi dala-dala ang cellphone mo dahil ito ang pagkakataon n’yo para mag-scroll sa socmed? Alam n’yo ba na ang paggamit ng cellphone habang pumupupu ay nakasasama sa puwit?

Weh? Anong konek?

Ayon kay Dr. Sarah Jarvis, ang paggamit ng cellphone habang pumupupu o dumudumi ay puwedeng maging dahilan ng pagkakaroon ng hemorrhoids o almoranas. Ito ay namuong dugo na sanhi ng pamamaga ng ugat sa anus at lower rectum. Gayundin, inihalintulad ito sa varicose veins.

Mayroong dalawang uri ng hemorrhoids at ito ang internal at external hemorrhoids. Marami umanong mayroon na nito, pero hindi aware ang karamihan habang ang iba naman ay dedma lang.

Sey ng mga experts, ang almoranas ay nakukuha sa tumaas na pressure sa lower rectum dahil sa pagpilit dumumi o pag-iri, matagal na pag-upo sa toilet bowl, diarrhea o constipation, low-fiber diet o regular na pagbubuhat ng weights.

Kaya para sa mga nagbababad sa CR diyan dahil masyadong nalilibang sa pag-scroll sa social media, alam na!

Samantala, may natural at surgical na paraan para gamutin ito. Para sa natural na paraan, kumain ng mga pagkaing may mataas na fiber content tulad ng gulay, prutas at whole grains. Ang pagkain ng mga ito ay nakapagpapalambot ng pupu o dumi upang maiwasan ang straining o pag-iri na nakakapagpalala ng hemorrhoid.

Puwede ring ibabad ang anal area sa maligamgam na tubig sa loob ng 10 hanggang 15 minuto nang dalawa hanggang tatlong beses kada araw.

Para naman sa surgical na paraan, ginagawa ang sclerotherapy kung saan gagamitan ng injection ang mga namamagang ugat para maging maayos ang daloy ng dugo at lymphatic system.

Gulat kayo, ‘noh? Kaya mga besh, iwasan ang paggamit ng cellphone habang dumudumi, lalo na kung hindi naman kailangan dahil sanhi rin pala ito ng almoranas. Gayundin, make sure na kumakain kayo ng masusustansiyang pagkain para makaiwas dito at sa iba pang mga sakit. Copy?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page