top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Aktres at ateng si Marjorie, nagkasama sa ospital, Gretchen… Padir ni Claudine, pumanaw na

  • Vinia Vivar
  • Oct 16, 2019
  • 1 min read

Photo: @claubarretto

Habang isinusulat na­min ang kolum na ito ay puma­naw na ang ama nina Gret­chen, Marjorie at Claudine Barretto na si Miguel Alvir Barretto.

Si Claudine mismo ang nagbalita nito sa kanyang Instagram account kahapon. Nag-post siya ng short video kung saan ay nakapaligid silang lahat sa kama ng ama na sa malas ay kapapanaw lang.

“We luv u Dad,” ang caption ni Claudine.

Sa kanyang Instagram Story ay nag-post din si Claudine ng mga katagang, “Never knew I could hurt like this. Goodbye Daddy.”

Matatandaang mahigit isang linggo na ring nasa hospital ang daddy ng Bar­retto sisters na ipinost din ni Claudine sa kanyang IG.

A few hours before he died ay nag-viral pa sa internet ang pagkikita nina Claudine at Marjorie sa hospital.

As we all know ay matagal nang may hindi pagkakaintindihan si Marjorie with Claudine and Gretchen. At marami ang natuwa na makitang magkasama ang magkapatid na nagkaalitan.

Sana nga ay maging daan na rin ito para tuluyang magkabati-bati ang magka­kapatid.

Mula sa amin dito sa BULGAR, na­ki­kiramay kami sa Pamilya Barretto.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page