top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Waging Best Comedy Actor, Vice… Bayani, 'di nanlalait sa pagpapatawa

Erlinda Rapadas
Oct 15, 2019
1 min read

Masaya kami para kay Ba­yani Agbayani na nanalong Best Comedy Actor (via Home Sweetie Home) sa nakaraang 33rd Star Awards for Television.

Hindi na pagdududahan ang galing sa pagpapatawa ni Ba­yani. Mapa-pelikula o tele­bisyon, effortless ang kanyang pagbibitaw ng jokes.

Ilang beses na rin siyang naging sidekick ng mga bidang aktor especially Robin Padilla na naging paborito siyang side­kick sa mga pelikulang nagawa niya.

Ibang klase ang humor o style ni Bayani sa pagpapatawa. Hindi siya ‘yung tipong nanlalait para lang gawing kata­tawanan ang isang tao o sitwasyon. Bagama’t masasabing may pagka-“old school” si Yani as a comedian, still, whole­some naman ang klase ng kanyang co­medy at hindi naluluma ang kanyang style kahit may mga bago at mas batang comedians pa ang dumating at sumikat.

Maging sa telebisyon, in demand pa rin si Bayani. Nasasabayan niya ang mga pagbabagong nagaganap sa showbiz kaya in demand pa rin siya ngayon.

Hindi man kami ganu’n ka-close kay Ba­yani, nararamdaman naman namin ang kan­yang sinseridad bilang tao at alagad ng si­ning. Mabait siya at napaka-humble na tao, marunong mag-share ng blessings sa mga nangangailangan kaya pinagpapala.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page