Restobar tinupok ng apoy
- Pabs Hernandez III
- Oct 15, 2019
- 1 min read
Albay—Tinupok ng apoy kamakalawa ang restobar sa Tahao Road, Legazpi City.
Ang nasunog ay ang Blue Light Restobar sa nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat ng mga arson investigator, pasado alas-7:00 ng gabi nang biglang sumiklab ang apoy sa restobar kaya agad nagtakbuhan palabas ang mga empleyado at kustomer ng bahay-aliwan.
Dahil gawa sa kawayan at anahaw ang restobar, mabilis itong natupok ng apoy.
Wala namang iniulat na nadisgrasya sa sunog at kasalukuyan nang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang pinagmulan ng sunog.





Comments