Kuwadradong salamin na may mga ginto sa koprahan, sign na dapat maghukay para may makuhang kayamanan
Salaminin natin ang panaginip ni Paris ng Paris_ Monarca@facebook.com
Dear Professor, Nagko-copra ‘yung asawa ko at dahil luto na, kinuha ng mga tao ‘yung copra para ipakilo at ‘yung asawa ko ay nasa loob ng hukay dahil doon iniluluto ‘yung copra. Inaabot niya sa mga lalaki ‘yung nakasako na mga copra at pagkatalikod ng mga lalaki, sinabi ko sa asawa ko na hindi na siya nagtira ng para sa amin. Sumagot siya na huwag daw akong maingay dahil may ipakikita siya at kinuha niya ang salamin na kuwadrado na may mga ginto. Tapos, ibinigay ng asawa ko ‘yung salamin at itago ko raw para hindi makita ng mga tao. Pagkalabas ko ng bahay, may babae na kaedad ko tapos, may nakita akong ahas at pinatay ko. Ano ang ibig sabihin nito?
Naghihintay, Paris
Sa iyo Paris, Ang panaginip mo ay naglalaman ng katotohanan na nangyayari sa mga probinsiya na ang hanapbuhay ay ang pagko-copra. Maraming lugar sa Kabisayaan at Mindanao na nakaharap sa Pacific Ocean ang may mga nahuhukay na treasure mula sa mga barkong naglayag sa Pacific Ocean na naging biktima ng mga daluyong at malalaking alon.
Kadalasan, ang mga barkong nasira ay napunta sa mga baybayin at ang mga nakaligtas na tripulante ay ibinaon sa isla ang sakay nilang kayamanan. Mahirap paniwalaan ang katotohanang ito, pero ito ay lantad na kuwento sa nasabing mga lugar sa bansa.
Sa iyong panaginip, masasalamin na gusto mo ring makahukay ng treasure na nakabaon sa lugar na pinagko-copra-han ninyo.
Puwede kaya itong magkatotoo? Puwedeng-puwede, pero may ilang kondisyon. Narinig mo na ba ang ikinuwento ko na maraming nakukuhang kayamanan sa koprahan sa mga lugar na malapit sa Pacific Ocean? Kung oo, kailangan mo ng bakal na ipansusundot sa lupa at kapag may tinamaan ito na matigas na bagay, hukayin mo agad dahil ito ay isa sa mga nakabaon na kayamanan.
Puwede rin na habang nasa bukid o koprahan kayong mag-asawa, suriin n’yo ang lupa sa paligid at kapag may nakita kayong basag na banga, pinggan o gamit na porselana, posibleng may matutuklasan kayong treasure.
Subukan n’yo dahil wala namang mawawala sa inyo, pero tulad ng panaginip, ilihim n’yo ito dahil matutulad kayo sa ilang magsasaka na ibinalita sa buong barangay ang napulot na kayamanan kaya nagdagsaan ang mga tao at hindi tumigil sa paghahanap nito.
Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo





Comments