Imbes magpahinga raw kasi… Sigaw ng fans: Angelica, naospital na sa kapaguran, todo-laklak pa
- Beth Gelena
- Oct 15, 2019
- 1 min read
Beth Gelena / Bulgary Files

Photo: @iamangelicap
Ipinost ni Angelica Panganiban sa kanyang social media account na siya ay nasa hospital dahil sa masyadong kapaguran.
Ayon sa mga netizens, hindi na kaya ng katawang-lupa ni Angge ang sobrang trabaho kaya siya nakakaramdam ng pagod. Sunud-sunod daw kasi ang pagsu-shoot niya ng movie nitong mga nakaraang araw kaya stressed na siya.
Ayon naman sa ibang netizens, “Ang tahimik n’ya these days.. she’s very sickly dahil siguro sa puyat... sleep is really very important lalo na kung nagkakaedad na tayo.
“Aside from her physical well being, I also hope that her mental health is also at its best. I know OA ang assumptions ko, pero parang ang sad n’ya lately that she’s just trying to conceal it.”
May nagsasabi pang “Kung pagod, ‘wag nang lumaklak. Matulog ka, ‘di ‘yung alak ang pahinga mo.”
Ang payo naman ng iba, kailangan nang mag-slow down ng aktres. Bata pa raw kasi ay trabaho na nang trabaho.
“Hindi mo na kaya ang makipagpuyatan. Is this a hint na you’ll start a new chapter in your life? Mag-asawa ka na, so you can start your own family.”
Aba, eh, papaanong mag-aasawa si Angge, hindi nga siya masuwerte sa love?





Comments