Aktor, iiwan na raw ang GF para sa ibang ka-love team… James, pinalagan ng tatay ni Nadine
- Nitz Miralles
- Oct 15, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / Bida

Intriguing ang sagot ng dad ni Nadine Lustre na si Mr. Ulysses Lustre na “At last someone finally understood,” sa comment ng isang JaDine fan na “Sana po Mr. Lustre, you will help James realize that his partnership with Nancy of Momoland is a move of the abs-cbn station to slowly break JaDine apart, so they will have reasons to partner James with its fave actresses and leave Nadine behind... maybe James would listen to you.. Tnx for stepping up for Nadine.”
Sa sagot na ito ng dad ni Nadine, ibig sabihin, ‘yung cryptic posts niya dati ay patungkol sa pag-alis ni James sa Viva at kasunod noon ang paggawa ni James ng series sa ABS-CBN with Nancy of Momoland. Akala kasi nu’ng una ay para kay Kathryn Bernardo ‘yun na karibal ni Nadine.
Sa press statement na inilabas ni James, sinabi pang lahat ng gagawin niya sa showbiz ay sa ABS-CBN na.
May nakausap kaming taga-Viva at sure itong hindi para sa kanila ang cryptic post ng dad ni Nadine dahil maayos daw ang business and working relationship nila kay Nadine. Hinihintay lang nilang maging ready na ito na magtrabaho uli.





Comments