top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

4-anyos, hindi napansin ng ama, nalunod sa swimming pool

Pabs Hernandez III
Oct 15, 2019
1 min read

Cagayan—Isang 4-taong gulang na batang babae ang namatay nang malunod kamakalawa sa swimming pool ng resort sa Bgy. Caggay, Tuguegarao City.

Nakilala ang biktima na si Kasandra Kate Caronan, residente ng Bgy. Ugac Norte sa naturang lungsod.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, habang nasa resort ay nalingat ang ama ni Kasandra kaya hindi nito napunang nalulunod na sa swimming pool ang biktima.

Nabatid na ilang saksi ang sumaklolo kay Kasandra at agad itong dinala sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival ang biktima.

Samantala, nakatakdang sampahan ng kaso ng pulisya ang management ng resort dahil sa kapabayaan.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page