P53.4 bilyon, inilaan ng Maynilad sa pagpapaunlad ng serbisyo sa mga kostumer
- Thea Janica Teh
- Oct 14, 2019
- 1 min read
Bulgarific

Hello, Bulgarians! Para mabigyan ng magandang serbisyo ang mga customer ng Maynilad Water Services, Inc. ay naglaan sila ng Php53.4 bilyon para sa paglalagay ng bagong 425 kilometers sewer lines. Ito ay gagawin mula 2020 hanggang 2037.
Ang 425 kilometers ay magsisimula sa Caloocan City hanggang Cavite na mapakikinabangan ng halos 9.6 milyong customer ng Maynilad. Sa ngayon, 20% ng water-served population ng Maynilad ang naka-connect sa sewer network nito, ang mga hindi pa konektado rito ay binibigyan nila ng libreng septic tank cleaning service.
Pinaalalahanan ni Maynilad Chief Operating Officer Randolph T. Estrellado na maaapektuhan ang mga motorista dahil sa pagbungkal sa daan. Inaasahang mas malalim ang huhukayin nito na aabot sa 14 meters kumpara sa pagpalit ng water pipes. Kaya naman, para mabawasan ang trapik ay gagamit sila ng technology para mabilis ang paggawa.
Ang Maynilad ay nagsisimula ng maglagay ng sewer lines sa Valenzuela, Cavite City, Las Piñas at Barangay Cupang at Tunasan sa Muntinlupa. Samantala, natapos na ang sewerage project sa Pasay at Parañaque. Mula sa naaprubahang business plan, may natitira pang Php200 bilyon ang Maynilad para sa wastewater projects ngayong 2019 hanggang 2037.
Sa ngayon, nag-o-operate at mine-maintain ng Maynilad ang 588 kilometers ng sewer lines at 22 wastewater facilities na may combined treatment capacity na 664,000 cubic meters kada araw.
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments