top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Kung ang utol na si Claudine, nakabati na… Gretchen, dedma pa rin sa padir na nakaratay sa ospital,

Ador Saluta
Oct 14, 2019
1 min read

Inulan ng tanong at komento si Claudine Barretto matapos niyang i-post sa kanyang Instagram account ang picture ng daddy niyang si Miguel Barretto habang nakaratay sa ospital at dinalaw ng isang long-time friend nito.

Sa comment section ng IG ni Clau­dine, may mga nagtanong kung dinalaw na ba ni Gretchen ang kanilang ama sa ospital.

Kung matatandaan, ilang taon nang may samaan ng loob si Gretchen at ang kanyang mga magulang. Mabuti nga at nagkabati na sina Gretchen at Clau­dine, pero mukhang hanggang ngayon, nag­mamatigas pa rin si La Greta kahit pa nasa maselang kalagayan ang kan­yang ama.

Hirit ng mga netizens, sana’y ma­tu­to nang magpatawad si Gretchen at tang­galin na ang galit sa kanyang puso anu­man ang naging pagkukulang sa kanya ng mga magulang kung meron man.

After all, ang magulang ay magulang kahit ano pang naging pagkakamali sa atin.

Well, tingnan natin, baka naman one of these days, mahilot na rin ni Clau­dine si Gretchen at lumambot na ang puso nito at dalawin na ang kanyang Daddy Miguel.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page