Indian national nilikda ng gunman
Cebu—Isang Indian national ang namatay nang barilin ng hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Pajac, Lapu-Lapu City.
Ang biktimang nagtamo ng tatlong tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Gagandeep Singh, pansamantalang naninirahan sa naturang lungsod.
Ayon sa ulat, naniningil umano ng kanyang pautang si Singh nang lapitan ito ng suspek at agad pinagbabaril.
Dinala pa ng mga saksi si Singh sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.
Patuloy pa ang imbestigayon ng pulisya upang mabatid ang motibo ng suspek sa pamamaslang sa biktima.





Comments