top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Bigat na bigat ka na ba sa‘yong dinadala? Malalaking boobs, puwede nang I-donate!

Twincle Esquierdo
Oct 14, 2019
2 min read

Madalas na tinatanggalan ng breast tissue ang mga dumaranas ng breast cancer para matanggal ang ‘cancer tissue’. Pero, alam n’yo ba na hindi lang ang mga cancer patients ang tinatanggalan ng breast tissue?

Sey ng mga experts, ang kababaihang medyo malaki ang hinaharap o ‘yung tinatawag na ‘pinagpala’ ay pu­wede ring tanggalan ng breast tissue dahil maaari itong i-donate.

Weh, ‘di nga?

Ang breast o boobs ay binubuo ng tissue na nasa ibabaw ng chest muscles. Ito ay gawa sa specialized tissue na nagpo-produce ng gatas at fatty tissue. Ang milk-pro­du­cing part ng breast ay may 15 hanggang 20 sections ng lo­bes at ang bawat lobes ay may maliliit na structure o lo­bules kung saan lumalabas ang gatas.

Sey ng mga experts, hindi lang ang mga breast cancer patients ang tinatanggalan ng breast tissue dahil ang mga babae na may malaking boobs ay puwede ring tanggalan nito.

Bakit? Ayon sa mga eksperto, ang mga breast tissues na matatanggal ay puwedeng i-donate sa mga may breast cancer.

Samantala, mayroong proseso na tinatawag na mas­tectomy, ito ay ginagawa para tanggalin ang lahat ng breast tissue upang gamutin o mapigilan ang breast can­cer.

Ang mastectomy ay may anim na uri, depende sa paraan ng pag-oopera at kung gaano karami ang tissue na dapat tanggalin. Kabilang dito ang simple or total mastectomy, skin-sparing, nipple-sparing, modified radical, radical at double mastectomy.

Sa simple mastectomy, tinatanggal ang buong boobs, kasama ang nipple, areola at balat habang sa skin-sparing mastectomy naman, breast tissue, nipple at areola lang ang tinatanggal.

Gayunman, ang nipple-sparing mastectomy ay variation ng skin-sparing mastectomy. Sa prosesong ito, ang breast tissue ay tinatang­gal, pero ang breast skin at nipple ay maiiwan.

Ang modified radical mastec­tomy ay may kasamang proseso ng simple mastectomy dahil tina­tanggal din ang lymph node sa ila­lim ng braso.

Sa radical mastectomy, tina­tanggal ang buong boobs, axillary lymph nodes at chest wall o ‘yung muscles sa ilalim ng dibdib. Sa double mastectomy na­man, tinatanggal ang dalawang boobs.

Pagkatapos sumailalim sa mastectomy, puwede nang gawin ang breast reconstruction kung saan puwede nang ilipat ang idinoneyt na breast tissue.

Oh, para sa mga babaeng pinagpala r’yan, puwede n’yo nang i-donate ang mga breast tissues na hindi n’yo kailangan para makatulong sa iba.

Gayunman, para sa lahat, makuntento tayo sa kung ano ang mayroon tayo at ingatan ang dibdib para makaiwas sa sakit.

Copy?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page