Bago pinagbida ngayon sa pelikula… Maine, kumanta kung paano pinahirapan ng dos nu'ng 'di p
Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

Malapit nang mapanood sa mga sinehan ang pelikulang pinagbibidahan ng tinaguriang Dubsmash Queen na si Maine Mendoza with Carlo Aquino. Sinabi ni Maine na excited na siyang maipakita sa big screen ang pinaghirapan nila.
Aniya, “Hay, nakaka-excite. Nakaka-excite actually kasi ang tagal na rin siyang inabangan ng mga fans, ng mga sumusuporta, so sana, magustuhan nila kasi ito ‘yung literal na walang halong showbiz, walang halong etchos na pinaghirapan talaga namin ‘to.”
Nang matanong si Maine kung kumusta naman ang experience na makatrabaho ang mga taga-kabilang network, aniya, naging masaya naman siya at gusto pa niyang makagawa uli ng iba pang proyekto kasama ang mga taga-Dos.
“Masaya rin kasi sobrang babait nila. They’re very accommodating, very easy to work with and get along with. So, hindi ako nagkaroon ng hassle moment kumbaga with them. Sana, hindi pa ito ang huli.”
Natuwa raw siya nang malamang sa kanya ipinagkatiwala ang Isa Pa with Feelings pero nang malaman niya ang istorya ay nakaramdam din siya ng pagdududa sa sarili.
Aniya, “Una, natuwa ako, kasi siyempre, bagong istorya, tapos at the same time, kinabahan din ako kasi medyo may bigat. May bigat ‘yung characters nilang dalawa and ‘yung istorya mismo. So, parang inisip ko, kaya ko ba? Kaya ko ba siyang gawin? Makaka-deliver ba ‘ko? Pero so far, actually, hindi ko alam. Sana, okay lang, sabi ko, sana oo.”
Sinabi rin niya na nu’ng una ay hindi pa niya alam na si Carlo ang makakapareha niya at nu’ng sinabing ang aktor nga ang leading man niya, mas okay daw ‘yun para sa kanya.
“Kung hindi siya (ang nakapareha ko), hindi ko alam kung magagawa ko ‘yun,” sabi pa ni Maine.
Anyway, matatandaang may kumalat noon at nag-trending ang video clip na nag-audition si Maine sa Pinoy Big Brother. Inamin naman ng aktres na five years ago na nu’ng nag-audition siya sa reality show ng ABS-CBN.
Aniya, “A month bago ako pumasok ng Eat Bulaga! ‘yun nangyari and naisipan ko lang na mag-audition. Merong nagsabi sa akin, may nag-invite, ‘Baka gusto mong mag-audition for PBB’ and ako naman, even before, honest naman ako na gusto ko talagang makasali ng PBB. So, nakita na rin na baka ito na ‘yung chance. So ‘yun na nga ‘yung chance, pero hindi pa ‘yun ‘yung tamang panahon.
“Inabot ako nang ala-una roon… alas-sais nang umaga hanggang ala-una nang umaga. Pero umuwi akong… sad. Pero okay lang, masaya ‘yung experience,” natatawang kuwento ng aktres.





Comments