top of page

145 tumotoma, nagyoyosi at nakahubad sa pampublikong lugar, huli

  • Gina Pleñago
  • Oct 14, 2019
  • 1 min read

Umabot sa 145 katao ang hinuli ng mga awtoridad dahil sa mga paglabag sa ordinansa sa katimugang Metro Manila sa nakalipas na 24-oras, ayon sa Southern Police District (SPD), kahapon.

Ayon sa ulat ni SPD Director Brigadier General Nolasco Bathan, nagkasa ng implementasyon ng mga ordinansa ang mga awtoridad sa mga Lungsod ng Pasay, Makati, Parañaque, Las Piñas, Muntinlupa, Taguig at bayan ng Pateros, alas-5:00 ng madaling-araw nitong Sabado at nagtapos ng alas-5:00 ng madaling-araw kahapon.

Sa naturang bilang, 39 dito ang nadatnang nag-iinuman sa pampublikong lugar, 31 ang naninigarilyo, pito ang nakahubad-baro, 67 naman ang lumabag sa curfew at isa sa illegal vending.

Ang Parañaque City ang nagtala ng may pinakamalaking bilang ng ordinance violators na pumalo sa 62, sinundan ng Taguig City sa 46, Pasay City-14, Makati City-10, Muntinlupa City-7, Las Piñas City-6 at zero naman sa bayan ng Pateros.

Sa kabuuang 145 lumabag, 64 dito ang pinagmulta ng awtoridad, 80 ang pinagsabihan o binigyan ng warning at isa ang kinasuhan.

Bình luận


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page