top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Sawa ka na bang maging empleyado? Tips para maging negosyo ang hilig mong gawin

Jersey Sanchez
Oct 13, 2019
2 min read

No Problem

Sa panahon ngayon, marami sa atin ang pi­nipili na lang na magne­gosyo kaysa maging em­pleyado. Ito ay dahil sa paniniwala na walang yumayaman sa pagiging empleyado.

Medyo true naman ‘yun, pero ano ba ang ma­gandang negosyo? Oks ba na gawing negosyo ang passion? Kung oo, pa­ano?

Mga besh, narito ang ilang tips para sa mga nag­babalak na pagkaki­taan ang kanilang pas­sion:

1. ‘Wag agad mag-resign. Yes, beshy. Bakit? Ito ay dahil dapat mo munang alamin kung ma­giging ma­ganda ang re­sulta ng pagnenegosyo mo. Paano? Kapag day-off mo o weekend, dito mo gawin ang iyong passion sa pa­mamagitan ng pag-side­line. Halimbawa, pagbe-bake ang gusto mong ga­win, puwede kang mag­benta online at gawin ito tuwing weekend o day-off mo. Kung sakaling hindi ito pumatok agad, at least, may kikitain ka pa rin mula sa iyong regular job.

2. Magsi­mula sa maliit. Kung wala ka pang experience sa pag­­nenegosyo, hindi mo ka­ila­ngang magsimula nang bongga, besh. Si­mulan ito sa maliit at hu­wag kang matakot magka­mali dahil ‘ika nga nila, rito tayo ma­tututo.

Gayun­din, dito mo ma­pag-aaralan ang bawat aspeto at detalye ng pag­ne­negosyo.

3. Malawak na pang-unawa. ‘Ika nga, ginagawa natin ang ating passion kahit maliit ang kita rito at minsan pa nga, kahit halos wala nang kita.

Sa pagnenegosyo ga­mit ang iyong passion, da­pat din nating maunawaan na hindi tayo kikita agad nang ma­laki. Kumbaga, dapat ta­yong mag-focus sa fulfill­ment na nakukuha natin dito dahil maliit o ma­laki man ang kinikita natin, ang mahalaga ay naga­gawa natin ito.

4. Pag-ara­lan ang produkto. Of course, hindi tayo dapat mag-focus sa pag­gawa lamang ng produkto na ibe­benta natin.

Dapat din nating pag-aralan kung paano ito ga­win, paano ibe­benta at ang iyong target market. Kung lahat ng ito ay mapag-aara­lan at ma­gagawa nang tama, mataas ang tsansa na ma­ging suc­cessful ang negosyo mo.

5. Siguraduhin ang kalidad. Sabi nga nila, sa paggawa ng pro­dukto, dapat ay quality over quantity. Kumbaga, hindi bale nang mabagal ang pro­seso ng paggawa, basta sigu­radong maganda ang kali­dad ng produkto. Dahil ka­pag maganda ang kalidad, mas maraming kos­tumer ang babalik-ba­lik sa‘yo.

Mga besh, maituturing itong risk dahil hindi ma­daling magnegosyo. Kaya kung isa kayo sa mga nag­babalak nang magnegosyo gamit ang inyong passion, make sure na hindi ninyo kalilimutan ang ilang tips na ito.

Copy?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page