top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Rondina ng Blaze, walang talo sa Pool C ng PSL

MC
Oct 13, 2019
2 min read

Nagbabaga ang mga spike ni Sisi Rondina nang lumagablab ang tikas ng Petron Blaze Spikers, para tapusin sa makapigil-hiningang 25-11, 20-25, 25-22, 25-27, 16-14 ang laban kontra Cignal HD Spikers at manatiling walang talo sa Pool C ng Philippine Superliga Invitational Confe­rence kagabi sa Caloocan Sports Complex.

At dahil hindi na masawata ng katunggali si Ron­dina, dumiretso na ang Blaze Spikers mula sa ma­lamyang 4-9 na simula at burahin ang 10-13 na pag­kaiwan sa krusyal na minuto ng 5th set tungo sa panalo sa prestihiyosong wo­men’s club tourney.

Nakapagdeliber ang dating high-flying spiker ng Uni­versity of Santo Tomas ng 29 kills at four aces para sa game-high 33 points sa Blaze Spikers, na ngayon ay nasa tuktok ng standings 5-0 record.

Puwede na nilang kumpletuhin ang pagwalis sa eli­minasyon sa bisa ng panalo kontra PLDT Home Fibr mamayang hapon na duwelo sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

“Coming into this game, we wanted to end our misfortune against Cignal,” ani Rondina, nang maalala ang pagkatalo sa HD Spikers sa semifinals ng All-Filipino Conference ng nakaraang dalawang buwan.

“We didn’t stop fighting and we stuck with our game plan until the very end,” aniya sa kabila ng masakit na balikat ay nakapokus pa siya at itinaas pa ang enerhiya sa kompetisyon. “I’m giving my best every game. I treat each practice like an actual game and an actual game like a championship game.”

Haharapin ng Petron ang No. 2 team sa Pool D sa knock­-out semifinals sa Martes sa Malolos Sports and Convention Center sa Bulacan.

Nakapagtarak din si Mylene Paat ng 20 points ha­bang si Rachel Anne Daquis ay may 16 markers para sa 13 blocks ng HD Spikers.

Nalasap ng Cignal ang unang talo sa anim na laro at tinapos ang elimination round sa 2nd spot ng Pool C at maikasa ang sudden-death semis duel sa top team ng Pool D.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page