Proud GF ni Sen. Win Gatchalian… Bianca, dream maging first lady kaya mahilig sa pulitiko
- Beth Gelena
- Oct 13, 2019
- 1 min read
Beth Gelena / Bulgary Files

Naispatan sina Bianca Manalo at Senator Winwin Gatchalian sa birthday party ng dating senador na si Chiz Escudero. Very open na ang former beauty queen at ang senador sa kanilang relasyon.
Komento ng mga netizens sa photo ng dalawang celebrities, bakit daw mukhang haggard ang cast ng Ang Probinsyano sa kanilang larawan ng senador? Mukhang naging matanda raw si Bianca. Kesyo naghihilahan umano ang dalawa sa kanilang mga edad.
May nagsasabi pang napakahilig daw ni Bianca sa mga pulitiko. Gusto raw ba ni Bianca na maging first lady din balang-araw?
Kung matatandaan kasi, bago si Sen. Win, isang mayor din sa probinsiya ang ex-BF ni Bianca.
‘Yun na!





Comments