Pinoy Judo Kurash sa SEAG umaasa sa 10 gold

All-Filipino ang tema ng bagong tatag na Philippine Kurash Sports Federation Inc. (PKSFI) sa darating na 30th Southeast Asian Games sa Nob. 3-Dis. 11 sa Luzon.
Magde-debut ang sport na Kurash sa biennial meet, na ngayon ay official ng regular member na National Sports Associaiton (NSAs) ng Philippine Olympic Committee (POC), dala ang pag-asang makuha ang limang gold medal.
“Nais nating mabigyan ng break ang mga Pinoy dahil sa Judo puro na kasi Filipino-Japanese, na sa tingin ko naman na malaki ang chance na makuha natin ‘yung 5 gold o baka suwertihin eh higit pa,” pahayag ni PKSFI president at head coach Roland Llamas sa panayam dito sa telepono.
Nauna ng nasilayan ang Kurash sa 2018 Asian Games sa Jakarta, Indonesia kung saan nagpadala ang bansa ng walong manlalaro, ngunit hindi pinalad. Bukod kay 9-time SEAG Judo gold medalists at Judo legend na si John Baylon, (men’s -81kgs) na umaasang makukuha ang ika-10th gold sa biennial meet, makikipagbalibagan sina SEAG Judo medalists Dennis Catipon (men’s -73kgs), playing-coach Jason Senales (men’s -90kgs), Helen Dawa (women’s -52kgs), Jenielou Mosqueda, (women’s -57kgs) at Estie Gay Linawen (women’s -63kgs),
Makakasama rin sina 2017 SEAG judo bronze medalist at Sambo World bronze medalist Sydney Sy ng UST (women’s +70kgs), gayundin sina 5th AIMAG bronze medal winner Al Rolan Llamas (men’s -66kgs), Bianca Estrella (women’s -70kgs) at UAAP season 81 Judo MVP Dieter Tablan ng UST (men’s +90kgs).
Ang Kurash ay isang traditional wrestling event na popular sa Central Asia, na ang tanging layunin upang manalo ay sa pamamagitan ng pagbato sa kalaban, na hindi naman nalalayo sa sport na Judo (Standing Techniques).





Comments