top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kung ang ateng si KC, proud na nagpakita ng boobs… Hirit ni Garie: 'pag ako nagpa-sexy, 'yun

  • Julie Bonifacio
  • Oct 13, 2019
  • 4 min read

Idinaan na lang ni Megastar Sharon Cuneta sa biro ang mga pahayag niya sa lumabas na sexy photo ng panganay nila ni Gabby Con­cepcion na si KC sa social media.

Iba naman ang naging reaksiyon ng younger sister ni KC na si Garie Concepcion nu’ng makita niya ang sexy picture ng kanyang half-sister.

“Si ate has always been proud of her body so it’s really not something new to me, Tita,” umpisa ni Garie.

After Sharon, nagkaroon ng re­lasyon si Gabby kay Grace Ibuna at si Garie ang kanilang naging anak.

“Sabi nga nila, if you have it, flaunt it! Haha! She has a certain confidence that I admire and that’s something she shouldn’t change,” diin ni Garie.

Expected na raw na iba-iba ang magiging reaksiyon ng mga tao sa paglabas ng sexy picture ni KC.

Tinanong naman namin si Garie kung keri kaya niya ang mag-post ng ganu’ng picture gaya sa Ate KC niya.

“I would probably go sexy to a certain extent, Tita. ‘Yung sexy pero classy ang hitsura, hindi bastusin. Late bloomer na nga po ako kasi ngayon na lang po ako natututo na magpaka-sexy, hahaha!”

Sabi pa ni Garie, “Now that I am getting older, I am beginning to appreciate my body more. Hindi siya perfect pero we have to embrace what we have. Hehe.”

Aware rin si Garie na hinihiritan na ni Sharon si KC ng apo.

“Ako nga, gusto ko nang magkaroon ng pamangkin sa kanya, eh. Isa pa ‘yan si ate, very busy. Alam mo naman ‘yan, Tita. Business-minded and very independent. Marami pa siyang gustong gawin.”

Hindi na raw niya kailangang sabihan si KC ng ‘di na siya bumabata at baka mahirapan na siyang magka-baby dahil alam na raw ‘yun ng ate niya.

“Pero I guess, Tita, kapag ang isang babae, hindi pa siya ready, hindi mo talaga mapipilit. But I guess when it happens, kapag binigyan ka ni God ng blessing, tatanggapin mo. Hindi mo namam ‘yun ile-let go.”

Trending naman ang naging pahayag ni Piolo Pascual sa posibilidad na magkabalikan sila ni KC.

“Ako, Tita, kung saan masaya si ate. Ako naman, never akong naging ano sa mga relasyon niya. Basta mahalin niya ang ate ko, alagaan niya ang ate ko, masaya ang ate ko, doon ako. Hindi ako para pigilan siya.”

Buti pa si Garie, mukhang stable na ang relasyon nila ng boyfriend niyang si Michael Pangilinan.

“Pana-panahon, Tita. Madalas, hindi mo ini-expect. Ako, hindi ko in-expect na tatagal kami,” ngiti ni Garie.

“Unexpected nga ‘yung ganu’n. Kasi, Tita, when we got together, I wasn’t looking for a relationship. I wasn’t ready to be in a relationship kasi I just gotten out from a heartbreak. So, nu’ng dumating siya sa life ko, talagang waley.”

Sobrang relax daw ng relasyon nila ni Michael kaya raw siguro tumagal sila for three years now.

“Walang pressure. Hindi kami nag-aaway. Kung mag-aaway man kami ‘yung very shallow, naaayos agad,” lahad pa niya.

Sa ngayon, may collaboration na ginagawa si Garie with Liezl Garcia (ex-gf ni Bugoy Drilon) at Dea Formilleza (Daryl Ong’s girlfriend).

“Dahil sa BuDaKhel, close sila kaya naging close rin kami nina Liezl and Dea. ‘Pag may event ang BuDaKhel, kami lang ‘yung nagtsitsikahan. Ang mga dyowa namin, nagwo-work. And it just so happened na naging close kaming tatlo.”

Happy si Garie sa takbo ng career niya. Nag-level-up na raw ang mga roles na natatanggap niya.

Last year, nagbida sa isang suspense-horror movie si Garie. At ngayon, kasama siya sa bagong serye ng ABS-CBN, ang Sandugo.

“At least ngayon, lume-level-up na ‘yung role ko. Best friend ako ni Elisse (Joson), kababata na (ng bida), ‘di ba? Nagkaka­ro­on na ng significance ‘yung role ko, ‘yung ganu’n. Hahaha!”

Bumilib kami sa pagtitiyaga ni Garie sa kanyang showbiz career.

Knows naman ng marami na college graduate siya from a prestigious school sa US. Tapos, anak pa siya ni Gabby, kaya kung tutuusin, madali na for her para sumikat.

“Tiyaga lang talaga, Tita. Ano nga ako, eh, sabi ko nga, meron akong days na, hindi naman pagsisisi. Pero minsan, isine-share ko nga ‘yun kay Michael na, siguro, when I was younger, nu’ng mga early 20s, nu’ng nag-start ako sa showbiz, 21 na ako, eh. Dahil ang requirement ni Mother G (Grace Ibuna, her mom), ‘di ba, mag-aral, mag-graduate, bigyan mo ako ng diploma. Tapos, sige, bahala ka na,” paliwanag niya.

Dagdag pa ni Garie, “So, siguro sa Philippine showbiz, considered siya na medyo late na, ‘di ba ang 20, 20 plus. But sabi ko nga, tiyaga lang talaga.

“Siguro nga, may days ako na sinasabi ko, siguro if I were just more consistent, ‘di ba?

“Na, kasi, there was a time, inaamin ko, Tita, nainip ako. Kasi, bata, so, maiinip ka. Iisipin mo, ‘Sige, aalis na lang ako. Mag-aaral na lang ako. So, nag-aral ako ulit, ‘di ba? Hindi ako naging consistent in a way na nandito lang ako sa country, paalis-alis ako.

“So, ang bilis, eh. Sa dami ng gustong mag-artista, ‘di ba? Mawala ka lang ng three months, wala na. Limot ka na,” sabi ni Garie.

Hindi raw assurance ang pagiging anak ng artista para magkaroon ng magandang career.

“But at least, hindi naman ako nawawala. It’s never too late. And you have to be your own. Kaila­ngang patunayan ko rin na hindi lang ako anak ni or kapatid ni, ‘yung ganu’n.”

Tumpak!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page