top of page

Kaya raw sumali sa TNT... Ethel, binalikan si Vice para singilin ang utang na TF

  • Ronalyn Seminiano
  • Oct 13, 2019
  • 2 min read

Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

Nakakalokah ang eksena sa pagsali ng ko­med­yanang si Ethel Booba sa Tawag ng Tang­halan Celebrity Champions sa It’s Showtime noong Oct. 11 kung saan nakalaban niya sina Jinho Bae o Songyupsal, Alex Castro at Marlo Mortel.

Nagulat daw si Ethel nu’ng tinawagan siya para sumali sa TNT.

“Reaksiyon ko? ‘Ha? Sure kayo?’ Siyempre, tinanong ko agad ‘yung premyo, TF (talent fee), ganyan. Sabi ko, ‘Ito, magkaliwanagan tayo, ah. Ang TF ba, saka ano, premyo, hiwalay?’” natatawang sagot niya.

Ang biro pa niya, “Sabi, ‘Tatawagan ka namin ulit.’”

Naging kuwela kaagad ang entrance niya dahil sa VTR pa lang, eh, sinabi niyang “Sumali ako sa Tawag ng Tanghalan kasi maniningil ako! Charing.”

Matatandaang kamakailan lang ay naglabas ng hinaing ang komed­yana dahil sa “utang na TF” sa kanya ng ilang shows ng ABS-CBN, partikular na ang Minute to Win It hosted by Luis Manzano at Gandang Gabi Vice ni Vice Ganda.

Sa interview portion, nagka­harap sina Vice Ganda at Ethel. Tanong ni Vice, “Ano na, naka­pag-down na ba kanina?”

Ang tinutukoy ni Vice ay ang TF na sinabi ni Ethel na hindi pa nababayaran.

Sagot naman ni Ethel, “Na­kuha ko na kanina.”

Sinabi ni Vice na friends sila ni Ethel at katunayan ay isinasama rin daw niya ito sa mga special occasions ng mga programang kasama siya kaya nagbiro si Vhong Navarro na co-host ni Vice.

Sabi ni Vhong, “Eh, ba’t ka nang­hihingi ng TF, dapat friendship na lang.”

Sagot naman ni Ethel, “Uy, hindi, ah, may premyo ‘to, ‘di ba?”

At pagsang-ayon ni Vice kay Ethel, “Kailangang makabawi kasi nga ‘yung isang may utang sa kanya, programa ko rin, GGV. Naayos na ba ng Finance?”

Sagot naman ni Ethel, “Okay na.”

Dumepensa naman si Vice dahil nga kaibigan niya si Ethel. Aniya, “Wala akong kinalaman diyan, ha, Finance ‘yun, ha, host lang ako.”

In fairness, dahil sa super duper galing ni Ethel sa pagkanta ng Help ng The Beatles, napa-wow ang madlang pipol at maging ang Tawag ng Tang­halan hurado na si Dulce ay nagbigay ng positive comment sa kanya.

Ani Dulce, “God’s gift to you is singing, the gift of voice. Alam ko na hindi mo maiwasang mag-co­medy, kasi natural kang comedienne talaga. Pero, ang prayer ko, bumalik ka roon sa serious singing mo.

“Gusto ko talagang seryosohin mo ‘yung pag­kanta mo, kasi ako, nanghihinayang ako… Mas bigyan mo pa ng time, kasi ang galing-galing mo,” dagdag pa ni Dulce.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page