Anak, sinisiraan daw… Padir ni Nadine, pikon na pikon sa kampo ni Kathryn
- Erlinda Rapadas
- Oct 13, 2019
- 1 min read

Hindi masisisi ang tatay ni Nadine Lustre kung ito man ay nag-react sa mga bashers ng anak. Pero mas marami ang nagpapayo sa kanya na mas makabubuting manahimik na lamang at huwag patulan ang mga patutsada ng mga bashers. Besides, hindi naman siya nakakatiyak na mga fans ni Kathryn Bernardo ang may intensiyon na siraan si Nadine sa social media.
Mas lalaki pa ang isyu kung sasagot at magre-react siya. Si Nadine rin ang tiyak na madadamay at maba-bash. Dapat ay masanay na sa mga intriga sa showbiz si Ginoong Ulysses Lustre. Hindi pupuwede rito ang mga pikon at balat-sibuyas.





Comments