Pareho raw singer, magaling umarte, magkasinglaki pa… Kz, bagong Nora Aunor
- Janice DS Navida
- Oct 12, 2019
- 2 min read

Artista na ang magaling na singer-performer na si KZ Tandingan!
Yes, totoo! At for her first film, kasama niya sa rom-com movie titled The Art of Ligaw ang magaling na character actor na si Epy Quizon.
Kuwento nga ni Epy na first time co-producer naman sa film na ito na kinunan pa sa Davao at may mga Visayan lines, nu’ng una ay nagulat din siya at nagduda na si KZ ang kinuhang bida sa pelikula dahil ang alam niya ay singer si KZ.
Kaya ang kondisyon daw ni Epy nang tanggapin ang pelikula, mag-workshop muna ang magaling na singer.
Pero laking-gulat daw ni Epy nang magkaeksena na sila ni KZ dahil… “sinapawan” siya nito!
At sa sobrang bilib nga niya sa singer-turned actress, nasabi ng anak ni Tito Dolphy (SLN) na “KZ Tandingan has the makings of our Superstar Nora Aunor!”
Woooooow!
Kaya, tinanong namin si Epy kung ano’ng meron si KZ para masabi niyang ‘next Nora Aunor’ ito.
Aniya, dahil siguro parehong maliit ang dalawa at pareho rin ng kulay at gandang Pilipina, bukod sa pareho ring nagsimula bilang singer bago naging magaling na aktres. At pareho rin daw sina Ate Guy at KZ na 'umaarte' ang mga mata. Bongga!
Nang mahingi ang reaksiyon ni KZ na siya ang next Superstar, na-pressure raw siya at sabi niya kay Epy, baka masyadong mag-expect ang mga tao sa kanya. Pero napaiyak siya sa tuwa dahil sa malaking tiwala at suporta sa kanya ni Epy, ng direktor ng movie na si Jourdan Sebastian at ng CoreMinds producers.
Nag-alala si Epy sa maaaring maging reaksiyon ng mga Noranians sa sinabi niya kaya aniya, Noranian siya ever since at personal opinion niya ‘yun at base sa obserbasyon niya kay KZ, pero siyempre ay may sariling paniniwala ang mga fans ng Superstar.





Comments