Hindi regular sa trabaho kaya atat nang makapag-abroad pero litung-lito sa desisyon

Dear Roma, Ako si Nathan. Sumulat ako sa inyo para humingi ng payo dahil gusto kong magkapag-abroad kaso nag-aalinlangan ako dahil first time ko at hindi ko alam kung ano ang magiging kapalaran ko? Maayos ako sa trabahong pinapasukan ko, pero hindi ako nakukuntento dahil hanggang ngayon ay hindi pa ako nagiging regular. Ano ang dapat kong gawin? – Nathan
Nathan, Walang masama sa pag-a-abroad, pero hindi ito madali kaya bago mo planuhin ang iyong pag-alis, pag-isipan mong mabuti kung tutuloy ka dahil sabi mo nga, hindi mo alam kung ano ang magiging kapalaran mo roon. Gayundin, kung wala namang problema sa trabaho mo, huwag ka munang umalis at pagbutihin mo na lang muna hanggang sa maging regular ka. Good bless!





Comments