HD Spikers, semifinalist na

Photo: Foxsports PH
Nakagawa ang Cignal ng 25-22, 25-19, 25-20 na panalo kontra PLDT Home Fibr para makuha ang unang semifinal berth ng Philippine Superliga Invitational Conference kahapon sa Malolos Sports and Convention Center.
Sa bisa ng tikas ni national team stalwart Mylene Paat sandali lang tinalo ng HD Spikers ang Power Hitters at tinapos sa loob lamang ng 1 oras, 29 minuto para sa ikalimang diretsong panalo at maging unang team na umabanse sa next round ng prestihiyosong women’s club tourney.
Nakagawa si Paat ng 18 points, 14 kills, three blocks at ace, kasama ang eight digs habang si Rachel Anne Daquis at Janine Navarro ay may tig-13 markers para sa HD Spikers, na naging malakas ngayong conference. Impresibo rin si Filipino-American playmaker Alohi Robins-Hardy sa nagawa niyang 19 excellent sets kasama ang 5 points habang si libero Jheck Dionela ay may 13 digs at six excellent receptions.





Comments