McDaniels, nangalabaw sa KaTropa vs. Batang Pier
- ATD
- Oct 10, 2019
- 2 min read

Photo: Espn5
Napalaban ng todo ang TNT KaTropa bago kinalos ang NorthPort Batang Pier, 103-100 sa PBA Governor’s Cup kagabi sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Kumayod si import KJ McDaniels ng 30 points, 18 rebounds at limang assists upang tulungan ang KaTropa na ilista ang malinis na apat na panalo.
Hinawakan muna ng KaTropa ang walong puntos na bentahe, 46-38 sa halftime pero biglang uminit ang opensa ng Batang Puer sa third kaya naagaw sa kanila ang bentahe.
Humarurot ang NorthPort ng 32-19 sa third para makuha ang lamang, 70-65 papasok ng fourth.
Hindi nasira ang diskarte ng TNT sa payoff period, naging matatag sa endgame para masilo ang inaasam na panalo. Bumakas sina Troy Rosario at Roger Pogoy ng tig-22 at 17 markers ayon sa pagkakasunod para sa KaTropa.
Samantala, pinaghahandaan na rin ni Magnolia import Romeo Travis ang paghaharap nila sa tigasing San Miguel Beeer bukas ng alas-7 ng gabi sa Mall of asia Arena sa Pasay City.
Para kay Travis normal lang na laro ang ita-itrato nito, pakay ng Hotshots na siluin ang pang-apat na sunod na panalo.
Tangan ng Pambansang Manok Magnolia ang 3-1 record. Malinis sa tatlong panalo ang Beermen, nais nilang ipagpatuloy ang kanilang winning streak upang ang tsansa sa asam nilang Grand Slam. “It’s still a lot of season left. A lot of things can happen,” hayag ni Travis. “You just go out here and play the game, see what happens and take it for what it’s worth. It’s not a big game, it’s not a playoff game and it’s not going to have playoff implications.”
Maghaharap naman sa alas-4:30 ng hapon ang Columbian Dyip at Blackwater Elite.





Comments